By Nimfa L. Estrellado San Narciso, Quezon - Ang Road to 100k na isang Coconut Rehabilitation Program ng Hulog ng Langit para sa Bon...
By Nimfa L. Estrellado
San Narciso, Quezon - Ang Road to 100k na isang Coconut Rehabilitation Program ng Hulog ng Langit para sa Bondoc Peninsula ay tuloy-tuloy pa rin ang pagsasagawa upang matulungan ang mga magsasaka na sinalanta ng bagyong Niña ang mga niyugan.
Ayon kay Bokal Dominic Reyes na siyang pangunahing proponent at nagsusulong ng naturang programa, sa ilalim nito ay mamamahagi sila ng sumisibol na seed nuts ng niyug sa iba’t ibang panig ng Bondoc Peninsula, upang maabot ang target o goal na isang daang libong (100,000 or 100k) niyog para sa rehabilitasyon o pagbangon muli ng mga nasalantang niyugan nang manalasa ang bagyong Niña.
Ang mga ipinamamahaging seed nuts ay mula sa main nursery sa Brgy. Vigo, San Narciso, Quezon at mga satellite farms sa iba’t ibang bayan.
“Ang mga recipients at nakikinabang sa ating programa ay ang coconut farmers association ng Bondoc Peninsula. Ito po ay nagkaroon ng katuparan at tuloy-tuloy na isinasagawa sa pakikipag-ugnayan natin sa Philippine Coconut Authority (PCA), OPA, sa pamahalaang panlalawigan ng Quezon, at mga farmers organizations sa buong Bondoc Peninsula”, paliwanag ng mabait at masipag na bokal ng Quezon Third District.

No comments