Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ilang mga atletang Lucenahin, nagdala ng karangal sa lungsod

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Panibagong karangalan na naman ang inihatid ng ilang mga atletang Lucenahin para sa lungsod. Ito ay matapos ...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Panibagong karangalan na naman ang inihatid ng ilang mga atletang Lucenahin para sa lungsod.

Ito ay matapos na magkamit ng mga medalya ang mga ilan sa mga swimmers ng Team Bagong Lucena sa ginanap na Hongkong Stingray Invitational Meet na ginanap sa Hongkong International School, sa bansang Hongkong.Ang mga atletang nabanggit ay kinabibilangan nina Jules Mirandilla, Jordan Lobos, CK De Luna, Lance Arcel Lotino, Danae Dessa Sarmiento, Dale Tio, Aidepp Merriel de Luna, Zahjeed Isaac Sarmiento, Alexander Marasigan, at Ashby Jace Canlas.

Nagkamit ang koponan ng Team bagong Lucena ng walong gold, dalawang silver at walong bronze medals sa nasabing torneyo.Buong ipinagmalaki rin Sir Joey Jader ang EPS1 ng Physical Education and Schools Sports na nagmula pa sa ibang bansa tulad ng Amerika, Singapore, Malaysia, Hongkong, gayundin ang ilang mga delegado mula sa bansang Pilipinas.

Lubos rin ang naging pasasalamat nina Sir Jader at ng mga nasabing manlalaro kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa walang sawang pagtulong at pagsuporta nito sa kanila.At bilang pagkilala naman ng city government sa mga atletang Lucenahin na ito, binigyang pagkilala sila kahapon ng umaga sa ginanap na flag raising ceremony.

Gayundin dalawang mapalad na swimmer ng Team Bagong Lucena na kinabibilangan nina Jules Mirandilla at Jordan Lobos ang pinagkalooban ng mahigit sa P50, 000 piso bilang training scholarship allowance ng mga ito.

Bukod sa mga manlalarong nabanggit, binigyang pagkilala at parangal rin ng pamahalaang panlungsod ang coach ng mga ito na si Virgilio De Luna, na siya ring nahirang bilang Outstanding Coach at apat na taong Palarong Pambansa Coach of the Year.

Ang pagkakamit ng ilang mga swimmers ng Team Bagong Lucena ng mga medalyang nabanggit ay patunay lamang na hindi lamang pang STCAA at Palarong Pambansa, kundi maging sa palaro ng ibang bansa ay nakakayang magkamit ng mga ito ng karangalan para sa lungsod.

Kung kaya naman patuloy rin ang pagsuporta at pagtulong ng pamahalaang panlungsod, sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala, sa mga ito dahilan sa isa samga hinahangad ng alkalde ay makilala ang kahusayan ng mga atletang Lucenahin hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.