Isa na namang maituturing na karangalan ng lungsod ng Lucena ang isang kabataang Lucenahin matapos na makapasok ito sa prestiyosong basketb...
Isa na namang maituturing na karangalan ng lungsod ng Lucena ang isang kabataang Lucenahin matapos na makapasok ito sa prestiyosong basketball camp.Ito ay ang Jr. NBA na kung saan ay napili bilang Top 8 sa national basketball camp ang 14 taong gulang na si Gracey De Mesa, mag-aaral ng Lucena City National High School at siya rin ang kauna-unahang Lucenahin na nakapasok sa mga magagaling sa naturang training camp.
Kamakailan ay binigyang parangal rin ng pamahalaang panlungsod ang mga naturang kabataan bilang pagkilala sa mga ito.Mismong si Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang nag-abot ng plake ng pagkilala sa mga ito na ginanap sa Punzalan Gymnasium.
Hindi rin biro ang pinagdaanan ng nasabing mga kabataan dahilan sa bago pa man sila mapili sa national level ay dumaan ang mga ito sa regional selection camp noong nakaraang Pebrero.
Mahigit sa 900 mga kabataang lalake at babae ang sumali sa Jr. NBA at Jr. WNBA Regional Selection Camp na ginanap sa Enverga gymnasium at ang mga napipiling lalake at babae dito ay nagtungo sa national training camp na ginawa naman sa Bosco Manila at Mall of Asia Arena Event Center noong May 11 hanggang May 15.At maswerte namang napili dito si De Mesa na kung saan ay ipinadala siya sa national selection at nakasama niya dito ang mga napili naman mula sa Luzon, Visayas, Mindanao at NCR.Dahil sa pagiging Top 8 ni Gracey De mesa, isa siya sa mga mapapalad na napili na magtutungo sa China bilang delegasyon ng Pilipinas at dito ay makakaharap naman niya ang mga magagaling mula sa bansang Thailand, Singapore, Hongkong at iba pang Jr. NBA upang mag-training.Ang pagsasanay ni De Mesa sa China ay libre ng Jr. NBA at Jr. WNBA gayundin kaniyang allowance.
Ang pagkakasama ng kabataang Lucenahin na si Gracey De Mesa sa naturang prestisyosong training camp na ito ay patunay lamang na maraming mga kabataang atleta ng lungsod ang sadyang magagaling pagdating sa iba’t-ibang uri ng pampalakasan. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments