Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mahigit na 4,000 mga Lucenahin, nabigyan ng libreng Philihealth ng pamahalaang panlungsod

Aabot sa mahigit na 4,000 mga Lucenahin ang napagkalooban ng libreng Membership Data Record ng Philhealth ng pamahalaang panlungsod kamakai...

Aabot sa mahigit na 4,000 mga Lucenahin ang napagkalooban ng libreng Membership Data Record ng Philhealth ng pamahalaang panlungsod kamakailan.
Ito ay bilang bahagi ng programa ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na Bagong Lucena Health Program sa ilalim ng City Health office.

Ang naturang MDR na ito ay ibinibigay sa mga mahihirap na Lucenahin at wala pang record sa Philhealth.

Ayon kay Mayor Alcala, isang napakalaking bagay ng MDR na ito sakaling mangailangan ang pamilya ng mga benipisyaryo nito dahilan sa makatutulong ito para sa kanila.


At sakali aniyang mayroon pang kaunting tulong pa na kinakailangan ang mga nabiyayaan nito ay nakahanda naman ang BLHP at si Mayor Dondon Alcala na tulungan ang mga ito
Tanging habilin lamang ng punong lungsod sa mga nabiyayaan nito ay protektahan ang kanilang kalusugan upang sa ganun ay huwag na nilang gamitin ito at kundi man ay maging ligtas sila sa anu mang uri ng karamdaman.

Lubos naman ang naging pasaslamat ng mga napagkalooban ng libreng MDR na ito ng Philhealth kay Mayor Alcala dahilan sa nagkaroon sila ng isang benipisyong pangkalusugan na kanilang magagamit sa oras ng pangangailangan.
Batay sa City Health Office, ang naturang membership data record na nabanggit ay tatagal hanggang sa huling araw ng Disyembre ng kasalukuyang taon.

Ang pamimigay ng MDR na ito ay isang paraan ni Mayor Dondon Alcala na matulungan ang mga nangangailangang Lucenahin pagdating sa usaping pangkalusugan.
Dahilan sa isa samga hinahangad ng alkalde ay ang maging ligtas ang lahat ng mga mamamayan ng lungsod sa anumang uri ng karamdaman. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.