Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga bagong investors, pinulong ni Mayor Dondon Alcala

Dahilan sa malaki ang naiaambag sa larangan ng ekonomiya ng lungsod ng mga negosyanteng naglagak ng kanilang salapi upang mamuhunan dito ay...

Dahilan sa malaki ang naiaambag sa larangan ng ekonomiya ng lungsod ng mga negosyanteng naglagak ng kanilang salapi upang mamuhunan dito ay minabuti ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala na pulungin ang mga bagong investors na ito.

Ginanap ang naturang pagpupulong sa conference room sa Lucena City Government Complex (LCGC) kamakailan.

Sa naturang pagpupulong binanggit Mayor Dondon Alcala sa mga investors na mayroong ipinaiiral na ordinansa sa lungsod na sakaling mangailangan silang ng mga staff o empleyado ay kinakailangan na ang kukunin ay mga mamamayang Lucenahin.

Aniya, maaari rin silang kumuha mula sa mga nagsipagtapos sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena. Dagdag pa ng alkalde, patuloy ang pagsubaybay ng mga kinatawan mula sa Business Permit Licensing Office (BPLO) kung susunod o hind sumusunod ang mga negosyanteng ito sa nasabing ordinansa na kinakailangan na taga-lungsod ang kukuning empleyado.

Ibig sabihin aniya, ang mga ito ay dapat rehistradong botante sa lungsod bilang pagpapatunay na sila ay naninirahan dito.

Ipinaabot din ni Mayor Dondon Alcala ang kaniyang taos-pusong pasasalamat sa mga panibagong negosyante na nagtiwala sa potensyal at napiling magtayo ng kani-kanilang business sa lungsod. Alinsabay sa pag-uusap sa pagitan ng alkalde at ng mga businessmen na ito ay ang pagpirma ni Mayor Alcala sa kanilang mga business permit.

Makaaasa naman ang mga nabanggit na handa siyang umalalay sa bawat hakbangin na kanilang gagawin tungo sa pagpapaganda at pagsasa-ayos ng kanilang negosyo.(PIO Lucena/J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.