By Nimfa Estrellado June 10, 2017 P2-m hot logs, nakumpiska sa Sierra Madre.(Photo From Inquirer) LUCENA CITY, Quezon - Nabawi ng ...
June 10, 2017
P2-m hot logs, nakumpiska sa Sierra Madre.(Photo From Inquirer)
LUCENA CITY, Quezon - Nabawi ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang tinatayang 47,800 board feet (112.7 cubic meters) ng ilegal na pinutol na hardwood species mula sa bulubundukin ng Sierra Madre sa hilagang bahagi ng Lalawigan ng Quezon, Laguna at Rizal, ayon sa isang ulat.
Ayon kay Czarina Maria Gandeza, pinuno ng DENR Calabarzon Regional Strategic Communication at Initiatives Section, sinabi sa isang ulat na inilabas noong Lunes na ang composite team ng mga forest rangers, pulisya at local government units, nakumpiska ang assorted logs, lumber at flitches sa 59 operasyon simula Enero hanggang Mayo 2017.
Ang nasabing illegal na timber ay nagkakahalaga ng P1,994,004 ayon sa DENR.
Nakumpiska rin ang mga tauhan ng pamahalaan ang 15 transport vehicles, iba’t ibang kagamitan, 566 sako ng uling na kahoy at apat (4) na metro kubiko ng panggatong mula sa mga illegal na pinutol na mga punong kahoy.
Noong Mayo 31, ang mga operatiba ng DENR at pulisya ay nakarekober ng 256 piraso ng red at white lauan lumber na tinatayang may 1,754 board feet na inabandona ng mga illegal loggers sa Brgy. Minahan Norte, General Nakar, Quezon. Nang sumunod na araw, nakasabat din ang grupo ng 121 piraso ng iba’t ibang hardwood lumber na may 674 board feet na iniwan naman sa Agos River, Brgy. Banugao sa Infanta, Quezon.
Ayon sa mga awtoridad, ang General Nakar at Infanta ay kabilang sa mga bayan sa CALABARZON Region na may mataas na insidente ng illegal logging at bawal na pagpuputol ng punong kahoy at iba pang kaugnay na ipinagbabawal ng batas.
No comments