Kasabay ng pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral na Lucenahin, muli na namang namahagi ng libreng gamit pang-eskwela ang city government ...
Pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang pamamahaging ito na kung saan ay nakasama niya ang City Schools Division Superintendent Dr. Aniano Ogayon at dating executive assistant III Rogelio “Kuya Totoy” Traqueña.
Unang namahagi ang grupo ng alkalde sa bahagi ng Brgy. Dalahican na kung saan ay kasing init ng panahon ang naging pagtanggap ng mga mag-aaral sa kanilang grupo.Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala, nagbigay tagubilin siya sa lahat ng mga benipisyaryo nito na gamitin ang mga school supplies na ito ng maayos at tanging ang isusulat lamang sa kanilang notebook ay ang mga aralin at hindi puro drawing.
Ang pamamahaging ito ng libreng gamit pang-eskwela sa mahigit na 55,000 mga estudyante ng pampublikong paaralan ay nasa ikaapat na taon nang isinasagawa ni mayor Dondon Alcala.
Dahil ito ay isang paraan ng alkalde na matulungan ang mga magulang ng estudyanteng Lucenahin sa kanilang gastusin sa pagbili ng mga gamit pang-eskwela.Dahil isa rin sa hinahangad ni Mayor Dondon Alcala para sa mga kabataang Lucenahin ay magkaroon ang mga ito ng maayos at dekalidad na edukasyon. (PIO Lucena/ R. Lim)
No comments