Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Panlalawigan ng Quezon patuloy ang kampanya kontra dengue

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Patuloy ang isinasagawang kampanya kontra dengue ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Inte...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Patuloy ang isinasagawang kampanya kontra dengue ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO-Quezon) sa mga bayan sa lalawigan ng Quezon partikular sa mga bayang may mga kaso ng dengue.

Sa programang ‘Balikatan Unlimited with PIA’ sa DWLC Radyo ng Bayan-Lucena City, iniulat ni Elen Jetomo, nutrition officer ng IPHO-Quezon na may naitala na 459 na kaso ng dengue ang lalawigan simula Enero 1 hanggang Mayo 13, 2017 na mas mababa naman kumpara noong nakaraang taon (2016) sa katulad ding panahon.

Ayon pa kay Jetomo, ang mga lungsod at bayan na may pinakamataas na kaso ng dengue ay ang lungsod ng Lucena- 122; Candelaria- 62; Tayabas City- 42; Sariaya- 35; Sariaya-35 at Mauban , Quezon- 25.

Kaugnay nito, ipinatutupad ng IPHO-Quezon ang programang ABKD o Aksyon Barangay Kontra Droga sa mga bayan sa Quezon lalo’t higit sa mga bayan at lungsod na may mga kaso ng dengue.

Sa ilalim ng nasabing programa, ang IPHO-Quezon ay nagbibibgay ng mga babasahin o information materials na magiging gabay ng mga pamilya upang makaiwas sa dengue kasama na rito ang mga tamang paraan upang makaiwas sa dengue kagaya ng pagpapanatili ng kalinisan ng loob at labas ng bahay, pagtanggal ng mga tubig sa mga alulod ng bahay at iba pang kasangkapan sa bahay na maaaring pamugaran ng mga lamok kagaya ng mga plorera, aquarium at mga lalagyan ng tubig na walang takip.

Sa programang ABKD, hinihikayat din ang mga lokal na pamahalaan na gumawa ng mga ordinansa na may kaugnayan sa kampanya kontra dengue. (GG/Ruel Orinday/ PIA-Quezon)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.