LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Upang higit na maagapan at mapuksa agad ang anumang uri ng banta sa lungsod ay nanawagan ang hepe ng local na...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Upang higit na maagapan at mapuksa agad ang anumang uri ng banta sa lungsod ay nanawagan ang hepe ng local na pulisya ng lungsod na si PSupt. Arturo Brual Jr. sa mga mamamayang Lucenahin na patuloy silang tulungan kaugnay ng nabanggit na usapin.
Aniya, kung mayroon man silang impormasyon tungkol sa kung anumang gawain na kahina-hinala ay ipagbigay alam agad sa kinauukulan upang nang sa gayon ay magkaroon ng pagtutulungan sa pagitan ng mga mamamayan at mga awtoridad at makaiwas sa hindi magandang pangyayari na posibleng maging banta sa seguridad sa lungsod.
Dagdag pa ni Brual, kung mayroon mang indikasyon na silang nararamdaman sa kanilang paligid na maaaring maging banta sa kanilang kaligtasan ay ipabatid lamang sa kanilang tanggapan upang nang sa gayon ay agad nila itong maberipika, maaksiyunan at mapigilan ang anumang insidente na makapipinsala sa mga mamamayan ng lungsod.
Ito ang ilan lamang sa binanggit ni Brual nang makapanayam n TV12 kamakailan.
Nauna ng binanggit ni PSupt. Art Brual na patuloy pa rin nilang ginagawa ang mga hakbangin na magpapanatili ng payapa at ligtas na komunidad gayundin wala aniyang dapat ipangamba ang mga Lucenahin dahil kanilang ginagawa ng buong husay ang kanilang trabaho. (PIO Lucena/ J. Escuterio)

No comments