LUNGSOD NG LUCENA - Inilunsad kamakailan ng PhilHealth Regional Office 4A ang Project Welcome sa mga lalawigang nasasakop nito na naglalayo...
LUNGSOD NG LUCENA - Inilunsad kamakailan ng PhilHealth Regional Office 4A ang Project Welcome sa mga lalawigang nasasakop nito na naglalayong mahikayat ang mga kabataang magtatapos sa kolehiyo na magpatala sa PhilHealth bilang paghahanda sa kanilang papasuking trabaho.
Ang PhilHealth 4A ay nagbibigay ng mga oryentasyon sa mga kabataang magtatapos sa kolehiyo tungkol sa pagpapatala bilang bagong miyembro, mga benepisyo na maaaaring makuha kapag naospital gayundin malaman ang mga bagong programa at polisiya ng PhilHealth. Ayon sa PhilHealth 4-A mayroon ding nakatalagang online registration na kung saan onsite na ipi-print ang member data record at PhilHealth Number Card ang nagpatalalang miyembro.
Sa tala ng PhilHealth, mayroong 32 eskwelahan na ang napuntahan ng PRO 4A sa mga lalawigan ng Quezon, Laguna at Cavite kung saan umabot sa 3,218 ang bilang ng mga nagparehistrong mag-aaral.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga kawani ng PhilHealth sa iba’t-ibang paaralan na nagnanais magdaos ang Project Welcome sa kanilang mga paaralan. (GG/Ruel Orinday, PIA-Quezon)
No comments