Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

3rd Barangay Nutrition Scholars Convention, ginanap sa Lucena City

Lungsod ng Lucena, Quezon - Isinagawa kamakailan sa Quezon Convention Center ang 3rd Barangay Nutrition Scholars Convention na may temang ...

Lungsod ng Lucena, Quezon - Isinagawa kamakailan sa Quezon Convention Center ang 3rd Barangay Nutrition Scholars Convention na may temang “Healthy Diet, Gawing Habit for Life!” kasama ang higit 1,000 nutrition scholars ng lalawigan. Dumalo sa nasabing kaganapan ang ama ng lalawigan, Gob. David C. Suarez, kasama si Alona Partylist Representative Anna Marie V. Suarez, Vice Governor Sam Nantes, department heads at mga board members.

Ilan sa mga tinalakay sa nasabing kaganapan ay ang PINGGANG PINOY, breastfeeding, best practices ng Brgy. Iruhin Central mula sa Tagaytay City at wastong nutrisyon para sa pamilyang Pilipino.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month para sa buwan ng Hulyo, binigyang-diin sa nasabing kaganapan ang mga wastong diet na nararapat kainin. Binigyang pagkilala rin ang ilan sa mga distrito, munisipalidad at mga inidbidwal na nagpakita ng natatanging dedikasyon para sa kanilang trabaho.

Buong-puso namang pinasalamatan ng ama ng lalawigan ang mga BNS na nagsidalo sa kanilang dedikasyon sa trabaho. Labis rin ang kanyang galak sa nasabing kaganapan dahil dito nabibigyang pansin ang pagpapababa ng lebel ng malnutrisyon sa lalawigan.

Ayon sa kay Gob. Suarez, mahalaga ang pagkakaroon ng mga legitimate nutrition scholars na gagabay sa bawat munisipalidad upang mapababa ang malnutrition level ng provincial government. Masayang ibinalita ng gobernador na mula sa 12.9% ay bumaba ng 9.32% ang malnutrition level ng lalawigan. Dagdag pa ng gobernador, malaki ang epekto ng trabaho ng mga BNS sa bawat barangay na kanilang binibigyang serbisyo.

“Sa lahat po ng mga programang pinagtutuunan ng ating pamahalaang panlalawigan, napapansin natin na health and nutrition has always been number one under our administration. Gusto ko pong siguraduhin na ang susunod na henerasyon ay mas maging malusog at kayo pong mga barangay nutrition scholars will play a very important role in that.” batid ni Gob. Suarez.

Kaugnay nito ay inanunsyo rin niya ang nakatakdang ASEAN Summit on Breastfeeding sa bansa kung saan inimbitahan ang ama ng lalawigan bilang isa sa mga guest speaker ng nasabing pagtitipon upang bigyang pagkakataon ang gobernador na talakayin at ibahagi ang isa sa mga ipinagmamalaking programa ng lalawigan, ang Quezon’s First 1,000 Days of Life o Q1K na ibinida rin sa ginanap na Galing Pook Validation kamakailan.

Ibinahagi rin ni Gob. Suarez ang ilan sa mga proyektong nakatakdang isagawa sa lalawigan sa hinaharap. Ilan sa mga ito ay ang mga provincial roads, convention center, pagpapatayo ng full legitimate university at mga bagong dormitory at computer laboratories.

“Sa dulo po ng ginagawa natin,kung hindi malusog ang ating mga mamamayan ay hindi po natin magagawa itong lahat. Babalik na naman tayo sa kahalagahan ng nutrisyon. Hindi po mararating ng lalawigan ng Quezon ang ating nararating kung hindi po dahil sa inyo. Makakaasa po kayo na lagi po kayong susuportahan ng administrasyon ng inyong abang lingkod.” pagtatapos ni Gob. Suarez. (Quezon - PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.