Senator Paolo Benigno ‘Bam’ Aquino (Photo Courtesy by Arnel Avila) LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Bumisita sa lungsod ang kasalukuyang dep...
![]() |
Senator Paolo Benigno ‘Bam’ Aquino (Photo Courtesy by Arnel Avila) |
Personal namang dumalo si Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala kasama sina Vice-Governor Sam Nantes, mga Konsehal na sina Third Alcala at Atty. Sunshine Abcede-Llaga, City Administrator Anacleto Alcala Jr. at ang ilang mga kapitan ng iba’t-ibang barangay sa lungsod.
Sa loob ng unang tatlong taong kaniyang paglilingkuran bilang senador ay nakapagpasa siya ng labingsiyam na batas na ang pangunahing sinusuportahan ay ang maliliit na negosyo sa mga lokalidad at ang pagpapalakas ng pwersa ng mga kabataan.
Kilala rin si Bam Aquino bilang author ng Go Negosyo Act o ang RA 10644 na siyang nagboo-boost ng MSME o ang Micro, Small and Medium Enterprises na lumilikha ng oportunidad para makapagtrabaho ang mga indibidwal na walang hanapbuhay at mapalawig ang kanilang mga negosyo.
Dagdag pa dito ang kaniyang isinusulong na Universal Access to Quality Tertiary Education Act na may layuning makapag-aral ang mga kabataang medyo kapos sa pinansiyal na aspeto nugnit nais makapagtapos ng kolehiyo.
Kaugnay nito, tinatayang aabot ng P25-B ang kailangang pondo para sa libreng edukasyon sa mga college institutions at universities sa buong bansa.
Ito ang ilan sa mga tinalakay ni Sen. Aquino sa harap ng mga kapitan ng lungsod sa Eastern Premier Cuisine.
Sa kasalukuyan, umiikot ang team ni Sen. Bam Aquino sa iba’t-ibang bahagi ng bansa upang ibahagi ang kanilang mga programa at batas na itinutulak na malaki ang maitutulong sa paglilingkuran ng mga kapitang dumalo sa naturang aktibidad sa mga residenteng naninirahan sa kanilang pinamumunuang barangay.
Nanawagan din ang nasabing senador sa bawat kapitan na kung mayroon silang kakilala o residente mismo ng kanilang mga barangay at nais na mapalaki at mailabas ang kanilang produkto sa Quezon ay maaari silang makipag-ugnayan sa Negosyo Center ng lungsod.
Matatagpuan ang nasabing center sa Grand Central Terminal sa bahagi ng Diversion Road, ito ang kauna-unahang Negosyo Center sa lalawigan ng Quezon.
Sa ngayon, mayroon ng 500 Negosyo Center ang nag-ooperate at tumutulong sa mga MSME sa buong bansa. (PIO Lucena/J. Escuterio)
No comments