Sa pagnanais na maging mas maayos pa ang lungsod ng Bagong Lucena, nagbigay ng tagubilin si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa mga Lucen...
Ayon kay Mayor Alcala, kaniyang hinihingi ang tulong ng bawat isang mamamayan ng Lucena na matuto nang maghiwa-hiwalay ng kanilang basura sa nabubulok at ‘di-nabubulok. Panawagan pa rin ng punong lungsod, na kung maaari ay mismong sa sariling tahanan na umpisahan ng bawat Lucenahin ang pagsasagawa ng segregation upang sa ganun ay agad na silang matuto lalo’t higit ang mga kabataan at ang lahat ng miyembro ng kanilang pamilya.
Ayon pa rin sa alkalde, pagdating ng ika-1 ng Setyembre ay uumpisahan na ang segregation ng basura sa Lucena. At sakaling hindi aniya na makapag-segregate ng kanilang mga basura ang mga ito ay maaring hindi na ikutan sila ng mga garbage truck. Bukod dito, kaniya ring hiningi ang tulong ng bawat isa lalo’t higit ang mga driver ng anu mang uri ng mga sasakyan na sundin ang lahat ng batas trapiko na ipinaiiral sa lungsod. Panawagan pa rin ni Mayor Alcala, kinakailangan na magkaroon ang bawat Lucenahin ng disiplina upang maisaayos ang daloy ng trapiko sa syudad.
Ang mga ganitong uri ng kahilingan o panawagan ng alkalde ay upang mas maisaayos pa ang klalagayan ng lungsod ng Bagong Lucena lalo pa at patuloy ito sa pag-unlad. At sa munting panawagan na ito ni Mayor Dondon Alcala ay mas maging kaaya-aya ito sa paningin ng bawat Lucenahin bukod pa rin ang mga nagtutungo sa ating lungsod. (PIO Lucena/ R. Lim)
No comments