Lungsod ng Lucena, Quezon - Pinarangalan na ang mga natatanging mamamayan ng lungsod na nakapag-ambag ng kanilang angking galing at talino ...
Lungsod ng Lucena, Quezon - Pinarangalan na ang mga natatanging mamamayan ng lungsod na nakapag-ambag ng kanilang angking galing at talino sa iba’t-ibang larangan sa isinagawang Araw ng Pagpaparangal na bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Lucena ngayong taon.
Isa sa maituturing na mahalagang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Lucena 2017 ay ang pagpili at pagkilala sa mga Natatanging Anak ng Lucena.
Ito ang mga indibidwal na ibinuhos ang kanilang sarili sa layon na maiangat ang antas ng iba’t-ibang sektor ng lipunan pagdating sa usaping pangkalusugan, edukasyon, sining at kultura, larangan ng pampalakasan o sports, agrikultura, serbisyong pampubliko, relihiyon at iba pa.
Ginanap ang naturang aktibidad sa Queen Margarette Hotel sa bahagi ng Brgy. Domoit kamakailan alinsabay sa ika-56 taong selebrasyon ng Araw ng Lucena.
Dinaluhan ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala ang pagpaparangal na ito kasama ang kaniyang may bahay na si Maggie Alcala, ilang mga konsehales, kapitan at opisyales ng lokal na pamahalaan, Bishop ng Diocese ng Lucena na si Emilio Marquez, Msgr. Dennis Imperial, Msgr. Leandro Castro, ilang mga negosyante mula sa private sektors at iba pa.
Ang mga binigyang parangal para sa partikular na pagkilalang ito ay kinabibilangan nina Rebecca Villanueva para sa Government o Public Service, Nelly Llave Seranilla para sa Community Service, Joel Boragay para sa Performing Arts, Armando Remojo sa larangan ng Arts and Fashion Designing.
Noelle Conchita Corazon Mañalac para sa sports, kinilala din para sa Entrepreneur, Trade and Industry si Ma. Nova Veluz, Teresita Lamara para sa sektor ng relihiyon, Engr. Lucila Clamor sa professional category at ang namayapang si Wilfredo Asilo na nagsilbi bilang konsehal at guro noon para sa posthumous award sa Government Service at Edukasyon.
Kasama ang kani-kanilang mga pamilya ay tinanggap nila ang pagkilalang ito ng buong puso at pasasalamat sa organizers ng naturang aktibidad sa paniniwala sa kanilang kakayanan at pakikiisa sa pagtataguyod ng iba’t-ibang aspetong ito para sa ikauunlad ng lungsod. (PIO Lucena/J. Escuterio)

No comments