Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga natatanging quezonian, pararangalan

Nakatakdang parangalan sa isasagawang Gawad Parangal ng Quezon Medalya ng Karangalan (QMK) ang mga natatanging Quezonian ngayong ika-19 ng ...

Nakatakdang parangalan sa isasagawang Gawad Parangal ng Quezon Medalya ng Karangalan (QMK) ang mga natatanging Quezonian ngayong ika-19 ng Agosto, 2017 kaugnay ng pagdiriwang ng ika-139 taong kaarawan ni Dating Pangulong Manuel Luis Quezon sa Queen Margarette Hotel, Lungsod ng Lucena.

Ang mga napili ay kinilala matapos aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan noong ika-24 ng Hulyo ang Kapasiyahan Bilang 2017-424, na nagkukumpirma sa limang kakalooban ng prestihiyosong Medalya ng Karangalan at isang tanging gawad na siyang napili ng Quezon Medalya ng Karangalan Lupon ng Gawad Parangal.

Kabilang dito sina Rev. Fr. Joseph Faller para sa Serbisyong Pampubliko, G. Francisco P. Rubio para sa Agrikultura at Pagnenegosyo, Si G. Ronel F. Roces para sa Sining at Kultura, Gng. Maria Nova Villianueva Veluz para sa Pagnenegosyo, at Gng. Flocerpina Eroa Oliveros para sa Edukasyon.

Tatanggap naman ng tanging gawad si Gng. Noelle Conchita Corazon Zoleta-Mañalac para larangan ng Pampalakasan.

Ayon kay Governor David “Jay-Jay” C. Suarez, tunay na karapat-dapat ipagbunyi ng lalawigan ng Quezon ang mga nagkamit ng naturang pagkilala. Sapagkat, hindi lamang sila nagpamalas ng natatanging kahusayan sa kanilang piniling propesyon at sektor na kinakatawan. Walang sawa rin sila sa pagbibigay karangalan sa lalawigan at pagpapabuti sa lipunang ginagalawan.

Dagdag pa ng gobernador, ang mga pararangalan ay nagsilbing mabuting huwaran sa bawat Quezonian para patuloy na magsumikap at magpunyagi upang magkaroon ng matagumpay, at marangal na pamumuhay.

Pinasalamatan din ng ama ng lalawigan ang mga bumubuo sa Lupon ng QMK Gawad Parangal na pinamumunuan ni Atty. Vicente Joyas sa kanilang isinagawang masusing pagsusuri sa mga nominado ngayong taon.

Samantala, nakatakdang maging panauhing pandangal sa isasagawang pagpaparangal si Department of the Interior and Local Government OIC Secretary Katalino S. Cuy. (Quezon PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.