Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

QPPO, itinanghal na Outstanding Police Provincial sa buong Region 4A

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Itinanghal na Outstanding Police Provincial sa buong Region 4A o Calabarzon ang Quezon Police Provincial Office...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Itinanghal na Outstanding Police Provincial sa buong Region 4A o Calabarzon ang Quezon Police Provincial Office kamakailann. Iginawad ang parangal na ito sa isinagawang pagdiriwang ng Police Community Relations (PCR) Month sa Camp Vicente Lim sa Calamba Laguna.

Personal na tinanggap ni Acting Police Provincial Director Rhoderick Armamento ang award na ito na mismong si Regionald Director Police Chief Superintendent Mao Aplasca ang nagkaloob nito. Kabilang rin sa mga dumalo sa okasyong ito ay sina Regional Director ng NAPOLCOM 4A Director Angelito Ravanera. Ilan rin sa mga tauhan ng QPPO na tumanggap ng pagkilala at parangal ay sina Police Chief Inspector Elena Eleazar bilang Outstanding PNP Provincial Public Information Officer, Non Uniformed Personnel (NUP) Shirley Lorico bilang Outstanding NUP for Public Information, at SPO4 Josie Cueto. Nakamit naman ng Police Community Relations Branch Police Non-Commisioned Officer (PCRB PNCO) ang Medalya ng Papuri dahilan sa dedikasyon at taus puso nitong pagseserbisyo na nagdaragdag ng pagkamit sa mga layunin at adhikain ng PRO Calabarzon.

Ito na ang pangalwaang beses na nakamit ng QPPO ang nasabing parangal dahil na rin sa seryosong kampanya ng nasabing ahensya sa pagsugpo sa illegal na droga, korapsyon at iba pang uri ng kriminalidad.

Tiniyak rin ng pamunuan ng QPPO na patuloy nilang gagawin ang kanilang makakaya upang maging ligtas ang lahat ng mga mamamayan ng Quezon at maging ligtas ang mga ito sa anumang uri ng krimen. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.