Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Regular Quarterly Meeting ng LCDRRMC, dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala

Dumalo bilang panauhing pandangal si Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala sa isinagawang Convergence Action Planning ng Lucena City Disaster Risk...

Dumalo bilang panauhing pandangal si Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala sa isinagawang Convergence Action Planning ng Lucena City Disaster Risk Reduction Manangement Council (LCDRRMC) na kasalukuyang pinamumunuan ni Janet Gendrano.

Ginanap ang naturang aktibidad sa 4th floor ng Lucena City Government Complex (LCGC) sa bahagi ng Brgy. Mayao Kanluran kamakailan.

Dinaluhan din ng ilang mga kapitan mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod ang naturang pagpupulong at mga kinatawan ng ilang tanggapan ng Pamahalaang Panlungsod.

Sa naging pananlita ng alkalde, tiwala siya na dahil well-equipped pagdating sa manpower ang LCDRRMC sa pangunguna ni Gendrano ay kanilang matutugunan ang tungkuling nakaatang sa kanilan.

Ang kinakailangan na lamang aniya ay logistical support na manggagaling sa lokal na pamahalaan at ang budget na 5% na calamity fund, 70% dito ay maaaring ilaan para sa preparasyon.

Tinalakay sa naturang aktibidad ang depinisyon at layon ng LCDRRMC bilang panguhaning tanggapan na siyang responsable sa pagpapalakas ng sistema ng maagang pagbibigay babala at paghahanda sa mga mamamayan, kasama ang pagtatasa sa panganib at pagsasa-mapa ng mga peligrosong lugar sa lungsod.

Dagdag pa dito ang paglahad ng LCDRRMC Resolution No.3 na inaprubahan ang Disaster Risk Reduction Management plan ng Lucena City para sa taong 2018-2020.

Isa din sa mga trabaho ng nasabing opisina ang makipag-ugnayan sa iba’t-ibang lokal at nasyunal na ahensiya na magsisilbi bilang knilang katuwang sa pagpapalaganap ng mga impormasyon patungkol sa mga usaping pangkaligtasan sa panahon na bago tamaan ng sakuna ang lungsod upang nang sa gayon ay mapigilang posibleng pagdami ng casualties o biktimang masasalanta. (PIO Lucena/J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.