Dumalo sa SPECIAL LUZON REGIONAL DEVELOPMENT COMMITTEE MEETING, sa Office of the Secretary, Department of Agriculture, Quezon City, ang...
Inalam ni Gov. Suarez sa DA-RFO 3 at sa Bureau of Animal Industry (BAI) kung gaano na kalawak ang problemang kinakaharap hinggil sa Avian Influenza Outbreak at kung may iba pang lugar na posibleng naabot na rin ng sakit. Ayon sa mga ahensyang nabanggit, may mga lugar sa North Luzon na kanilang iniimbestigahan pa sa kasalukuyan, ngunit ang kaso sa San Luis, Pampanga lamang ang kumpirmado.
Ipinaabot din ni Gov. Suarez sa Department of Agriculture ang problema ng mga mag-iitik ng lalawigan na nagkakaroon ng pagkalugi dahil sa hindi makapagdala ng produkto sa Visayas Region dahil sa Memorandum Circular No.9, S. 2017 ng BAI, at kung maaaring pag-aralan pa ng ahensya kung paano mababawasan ang epekto ng problema sa mga lugar na hindi naman apektado ng Avian Influenza gaya ng Quezon.
Pinag-usapan rin ni Governor Suarez at ni Regional Executive Director, Engr. Arnel de Mesa ang mga hakbangin kung paano magkakatulungan ang DA-RFO4A at ang Provincial Government of Quezon upang maiwasang makapasok ang Avian Influenza sa Calabarzon.
Binigyang direktiba rin ng Gobernador ang Office of the Provincial Veterinarian upang paigtingin pa ang Veterinary Quarantine Checkpoint upang hindi makapasok ang mga walang kaukulang papeles at dokumento na mga live wild and domestic poultry, poultry products and byproducts at iba pang posibleng magdala ng virus sa lalawigan. Gayundin ang patuloy na pagsasagawa ng surveillance at monitoring ng tanggapan partikular sa mga bahagi ng lalawigan na kalimitang binibisita ng mga migratory birds. (Provet Quezon / Quezon-PIO)
No comments