Mayor Rhoderick “Dondon” Alcala By Nimfa L. Estrellado August 5, 2017 LUNSOD NG LUCENA, QUEZON - Masigabong ipinagbunyi at pinuri n...
![]() |
Mayor Rhoderick “Dondon” Alcala |
August 5, 2017
LUNSOD NG LUCENA, QUEZON - Masigabong ipinagbunyi at pinuri ng mga Lucenahin ang ikalawang State of the City Address (SOCA) ni Mayor Rhoderick “Dondon” Alcala na isinagawa nitong nakaraang Lunes, Hulyo 31, 2017 sa session hall ng Sangguniang Panlungsod sa Lucena City Government Complex (LCGC).Ayon sa kanila, ang ulat sa bayan na nakapaloob sa SOCA ng butihing punong lunsod ay makatotohanan, sapagkat kanilang nakikita, nararamdaman at pinakikinabangan; at ang mga nakaplano pang executive agenda ay praktikal, at kayang tuparin ng pamahalaang panglunsod.
Ang SOCA ni Mayor Alcala ay tumuon sa mga naisagawang programa, proyekto at mga serbisyo ng kanyang administrasyon simula nang manungkulan siya bilang punong lunsod ng Lucena.
Inilatag din ni Mayor Alcala ang mga inihahandang programa, planong pangkaunlaran at mga karagdagang serbisyo para sa mga Lucenahin sa mga susunod na taon ng kanyang panunungkulan.
Bahagi ng Soca ni Mayor Alcala ay, “Kung ating matatandaan ating pinagsisigawan ang pagbabago, bagong sistemang matuwid makapabagong paraan ng pamamalakad, pagbabagong nakatutuok sa kaunlaran, lahat ng ito ay ating inasam noong unang termino. Lahat ng pagbabagong ito ay pinagsumikapang mabuting bigyang katuparan, nangako tayo ng makabago at maayos na proseso sa business permit at licensing office at ito ay bunga ng pagkakaroon natin ng once stop shop. Nangako tayo na ipapalilinis ang open dump site na tunay naman masakit sa ating paningin, nagbunga ang pangakong ito ng malawakang pag sasaayos at paglilinis ng panglungsod na basurahan, nangako tayong walang pagtaas ng buwis, inayos lamang natin ang makatarungang paniningil dito at nagbunga ito ng pagtaas ng koleksyon. Sa bawat taong lumipas matapos ang matinding dagok na ating naranasan sa pagkasunog ng palengke, nangako tayo ng mabilisang maipatayo ang makabagong pamilihang pang lungsod at ito ay nagbunga at binansagan ngayong bilang mall market ng Lucena. Nangako tayong lilinisin ang hanay ng empleyado upang mapanumbalik ang katapatan sa serbisyo at kalinisan sa paglilingkod nagbunga ito ng malawakang pagbabago. Tunay nga ang ating unang termino ay punong puno ng pag asa naguumapaw sa positibong pagtingin para sa lungsod ng lucena sabi nga po theres no word to go but act. Ating napagtulong tulongan muling maiahon ang ating mahal na lungsod nagkaisa tayong nagtatrabaho, nagsumikap upang mapanumbalik ang kinang ng Lucena pabalik sa marapat nitong ningning. Bilang nagkakaisa nitong mamayan lubos na nagmamahal sa Lucena ating utay utay na ibinangon ang ating lungsod habang buo ang ating konbiskyon na muling mamayagpag ang pangalan ng lungsod ng Lucena bilang sentro ng pamahalaan. Subalit atin din pakatandaan sa kurso ng ating paglilingkod sa taongbayan sama sama din natin napagtanto na napakamarami rin pala ang dapat baguhin, napakarami pang dumadaing na ayusin, napakarami pang programa ang kailangang pang tapusin, tunay nga naman ang mukha ng pagbabago ng unang termino ni Mayor dondon alcala ay siyang sumasalamin sa ating adhikain. Kung anong laki ng pagbabago ng ating nakamit noong unang termino kabalikat nito ang pangangailangan ng sing laking pagbabago upang lubusang makamtan ang ating adhikain, ang ating pangarap, para po sa Lucena”
Dito ay inilahad ni Mayor Dondon Alcala ang kaniyang mga naisakatuparang proyekto at programang pangkaunlaran sa nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan ng kaniyang panunungkulan bilang alkalde ng lungsod. Ilan sa mga tinalakay nito ay tungkol sa aspetong pang-edukasyon, imprastraktura, pagkakapasa ng Comprehensive Land Use Plan (CLUP) ng lungsod, ang pagdami ng mga business establishments na nagbunsod ng pagtaas ng revenue collection at pagkakabilang ng lungsod sa tinatawag na ‘billionaires club’, mga serbisyong pantao o social services na ipinagkakaloob sa mga mamamayang Lucenahin, usaping pangkaligtasan, kaayusan, at pangkalusugan gayundin ang pagiging handa ng lungsod sa pagtama ng iba’t-ibang uri ng kalamidad. Kaugnay nito ay, ipinaabot ni Mayor Alcala ang pasasalamat sa bawat hepe ng iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlungsod sa kanilang pagtulong at pagiging katuwang sa paghahatid ng mga serbisyong tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan ng lungsod.
Lubos din niyang pinasalamatan sa kaniyang talumpati si Congressman Kulit Alcala sa walang sawang pagsuporta at pagtulong nito sa mga sa mga ginagawang infrastructure projects para sa mga Lucenahin. Ilan nga dito ay ang konstruksiyon ng iba’t-ibang school buildings sa mga pampublikong eskwelahan dito sa lungsod,road widening at pagsasa-ayos ng mga tulay.
Sa pagtatapos ng isinagawang SOCA ni Mayor Dondon Alcala, ay hangad niya na ipagpatuloy lamang ng taumbayan ang pagtitiwala sa kaniyang panunungkulan sapagkat kaniyang dadalhin ang lugnsod sa higit pang kaunlaran. Umaasa umano si Mayor Alcala na makakamit ng lunsod ang ibayong kaunlaran ng lahat.
No comments