Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Technical Assistance patungkol sa Grants Program ng NCCA, isinagawa sa Lucena City

Lungsod ng Lucena, Quezon - Isinagawa sa lungsod ang sympossium para sa Technical Assistance tungkol sa Grants program ng National Commissi...

Lungsod ng Lucena, Quezon - Isinagawa sa lungsod ang sympossium para sa Technical Assistance tungkol sa Grants program ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) katuwang ang tanggapan ng Lucena Council for Culture and the Arts (LCCA) kamakailan.

Ang NCCA ang siyang pangunahing tanggapan na bumabalangkas ng patakaran sa pagpapaunlad ng kultura at sining sa buong bansa gayundin ang makipag-ugnayan at magpatupad ng mga patakaran at programa ng mga kaakibat na ahensiya pribado o publiko man.

Hinihikayat din ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining ang artistikong paglikha, pagpapaunlad, pagtatampok at pagpapanatil ng pambansang kultura at sining ng bawat Pilipino.

Ginanap ang naturang atkibidad sa Queen Margarette Hotel Downtown na dinaluhan karamihan ng mga toursim officers, opisyales at representative ng iba’t-ibang local governent units (LGU) ng ilang munisipalidad at siyudad sa lalawigan ng Quezon kabilang ang lungsod ng Lucena, Lucban, Pagbilao, Sampaloc at iba pa gayundin ang mga kalapit na lugar sa rehiyon gaya ng Laguna at Cavite.

Dagdag pa dito ang mga kinatawan mula sa sektor ng edukasyon, ilang mga Civil Society Organizations (CSO), People’s Orgnization at media.

Layon ng nasabing aktibidad ang magbigay ng kaalaman patungkol sa mga prosesong kinakailangang gawin upang mapagkalooban ng tinatawag na competitive grant o pondo para sa aktibidad o programang lilinang sa kultura at sining ng isang lugar.

Samantala, ikinatuwa naman ng mga organizers mula sa NCCA ang pagkakaroon ng maraming bilang ng mga dumalo at nakiisa sapagkat hindi nila inaasahan ang mainit na pagtanggap sa kanila ng mga ito.

Nanawagan din ang nasabing komisyon para sa mga nasabing grupo at LGU na mag-propose ng anumang aktibidad na kikilala sa kani-kanilang sining at kultura upang nang sa gayon ay maisama ito sa kanilang budget para sa susunod na taon.

Nakatakda ang deadline ng pagsusumite ng proposal sa August 31, 2017 at maaari itong isumite sa Plan/Policy Formulation and Programmign Division (PPFD) sa Room 5-B, Fifth Floor NCCA Building sa Intramuros, Manila.

At para sa karagdagang impormasyon hinggil sa nasabing usapin maaaring tumawag sa kanila sa numerong 522-20-84 o mag-email sa arts@ncca.gov.ph o sa heritage@ncca.gov.ph at traditional_arts@ncca.gov.ph.(PIO Lucena/J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.