Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Bagong school building sa Cotta national High School, pinasinayaan

Lungsod ng Lucena, Quezon - Umani ng positibong reaksyon mula sa mga residente ng Brgy. Buliran, San Antonion, Quezon ang isinagawang groun...

Lungsod ng Lucena, Quezon - Umani ng positibong reaksyon mula sa mga residente ng Brgy. Buliran, San Antonion, Quezon ang isinagawang ground breaking ng elevated water tank sa pangunguna ni Gov. David C. Suarez, kasama sina Provincial Administrator Rommel Edano Jr. at San Antonio Mayor Erick Wagan.

Ang itatayong elevated water tank sa nasabing barangay ay makakapag-supply ng 30,000 litro ng tubig sa mga residente ng San Antonio, Quezon.

“Dapat nating pahalagahan ang yaman ng ating mga natural resources at kung paano din natin ito dapat pangalagaan.” pahayag ni Gob. Suarez ukol sa pagbibigay importansiya ng bawat mamamayan sa mga likas na yamang matatagpuan sa lalawigan alinsunod sa pagsasagawa ng mga proyektong makakaapekto rito.

“Ito ay hindi usapin ng isa o dalawang taon lamang. Ang tubig pong ito na ating pakikinabangan ay hindi lamang sa kasalukuyan ngunit hanggang sa mga susunod pang henerasyon.” ayon kay Mayor Wagan. Lubos ang pasasalamat ni Mayor Wagan sa pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay tugon sa isa sa mga pangunahing pangangailangan ng kanyang bayan na patubig sa mga nangangailangang barangay.

Samantala, noong hapon ring iyon sa bayan ng San Antonio, Quezon ay namahagi naman ng sako-sakong fertilizers at ilang mga pananim at kagamitan sa pagsasaka ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna muli ni Gob. David C. Suarez.

Dinaluhan ng iba’t-ibang miyembro ng mga asosasyon mula sa cacao at vegetable growers association, citrus at coffee growers at San Antonio Farmers Association ang pamamahagi ng mga agricultural inputs sa nasabing bayan. Bukod dito ay namahagi rin ng libreng health coupon ang pamahalaang panlalawigan kasabay ng mga libreng check up para sa mga residente ng nasabing bayan.

Lubos naman ang pasasalamat ng ama ng bayan na si Mayor Eric Wagan sa natanggap nilang tulong sa pagsasaka at mga pananim, gayun rin sa ilan pang mga serbisyong hatid ng lokal na pamahalaan.

Ibinida naman ni Gob. Suarez ang isa sa mga ipinagmamalaking proyekto ng lalawigan na Quezons First 1000 Days of Life o Q1K na umaani na ng maraming papuri at pagkilala sa bansa. Ang nasabing kaganapan ay ilan lamang sa mga isasagawa pang proyekto ng gobernador para sa kanyang next 3 best 3 years ng panunungkulan sa lalawigan. (Quezon - PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.