Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Community-Based Mobilization Program, Inilunsad

Lungsod ng Lucena - Upang patuloy na mapagtibay ang seguridad sa lalawigan tulad ng mga barangay, pormal na inilunsad kamakailan ang Comm...

Lungsod ng Lucena - Upang patuloy na mapagtibay ang seguridad sa lalawigan tulad ng mga barangay, pormal na inilunsad kamakailan ang Community-Based Mobilization Program sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Pinangunahan ng ama ng lalawigan, Gob. David C. Suarez ang nasabing kaganapan kasama sina DILG Regional Director Manuel Q. Gotis, Regional Director Police Chief Superintendent Ma. O R Aplasca, ABC President Hon. Jose Erwin Esguerra Sr., Police Senior Superintendent Rhoderick Armamento, Mauban Municipal Mayor Hon. Fernando Llamas at ang ilang mga barangay officials, mayors, vice mayors at mga konsehal.

Para kay Police Senior Superintendent Armamento, mahalaga ang aktibong partisipasyon na ito ng mga barangay officials. Aniya, hangarin ng programa na gawing isa ang lahat ng mga samahan. Dagdag pa niya, ang layunin ng proyekto ay pangalagaan ang kabuuan ng mga barangay sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng komunidad.

Kasabay sa paglulunsad ng nasabing programa ay ang distribusyon sa newly-organized SWAT team ng Quezon Police Provincial Office ng mga bagong kagamitan tulad ng bullet proof helmet at vest, motorcycle at mga police mobile vans na pangunahing kinakailangan ng panlalawigang kapulisan.

Nagpasalamat naman si Gob. Suarez sa pakikibahagi ng mga opisyal na nagsidalo sa pagtitipon na itinuturing na instrumento sa paglaban sa mga banta sa kaunlaran ng lalawigan tulad ng ipinagbabawal na gamot, kriminalidad at korapsyon.

“Kung hindi tayo gagalaw, at hindi natin susuportahan ang mga ganitong inisyatiba, mababalewala lahat ng pinaghihirapan at pinagsisikapan natin. Ito pong community based mobilization program ang magpapaliwanag kung ano ba talaga ang ating gagawin sa ating mga barangay. Naniniwala ako that our province and region will not only meet the peace and program standards of our country, but we will serve as a model to other regions as well.” pagtatapos ng gobernador. (Quezon-PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.