Nagkaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao na pinangungunahan ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, at ang Parokya ni Santa Catalina ng A...
Nagkaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao na pinangungunahan ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, at ang Parokya ni Santa Catalina ng Alejandria sa pangunguna ni Rev. Fr. Ferdinand I. Maaño sa pagdiriwang ng Ika-287 Araw ng Pagbilao, Ika-10 Papag at Bilao Festival at Ika-332 Araw ng Parokya, Agosto 26-31, 2017.
Sa paggunita ng ika-332 taong pamamayagpag ng Parokya ni Santa Catalina ng Alejandria, V.M. sa Bayan ng Pagbilao, nagkaroon ng Fluvial Procession, Sayaw Dasal (Indak Parangal) Alay sa Patrona, Pagsalubong at Banal na Misa, Agosto 26, 2017.
Ang Fluvial Procession, Sayaw Dasal (Indak Parangal) Alay sa Patrona at Pagsalubong ay re-enactment ng pagdating ng imahen ni Santa Catalina ng Alejandria sa Pagbilao noong 1685 at pagkakatatag ng Simbahan sa kasalukuyang kinatatayuan nito. Nagsimula ang prosesyon sa karagatan ng Brgy. Bantigue, patungo sa karugtong na Brgy. Daungan.
Nagagalak at nananabik na inabangan ng daan-daang mananampalataya sa pampang ng Brgy. Daungan ang imahen ng patrona sakay ng isang bangka. Kasama rito sina Rev. Fr. Ferdinand Maaño, Lingkod-Pari; at Rev. Fr. Marciano Rubio, Katuwang na Lingkod-Pari.
Nagsimula sa pag-indak ang mga nag-aabang na deboto nang mamataan ang paparating na imahen ng patrona. Kasabay ng masiglang pagsayaw, isinisigaw nila ang “Viva! Santa Catalina!” Napuno ng mga deboto ang kalye patungo sa Simbahan nang ihatid nila roon ang imahen. Nakiisa sa masayang kaganapan si Punong Bayan Shierre Ann Portes-Palicpic, kasama ang mga kawani ng pamahalaang bayan.
Bilang bahagi pa rin ng pinagsama-samang pagdiriwang ng 287th Araw ng Pagbilao, 332nd Araw ng Parokya at 10th Papag at Bilao Festival ngayong 2017, nagkaroon ng Lutong Pagbilawin sa patio ng simbahan ni Sta. Catalina ng Alejandria, Agosto 27. Tampok dito ang iba’t-ibang pagkain at putahe na tunay na lutong Pagbilao.
Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng 287th Araw ng Pagbilao, 332nd Araw ng Parokya at 10th Papag at Bilao Festival ngayong 2017, nagdaos ng Street Party at Gabi ng Pagdiriwang ang Pamahalaang Bayan ng Pagbilao sa pangunguna ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, Agosto 31.
Nagkaroon ng raffle draw ang samahan ng MOVE-Pagbilao sa pangunguna ni Municipal Administrator Ian Palicpic. Ang nasabing raffle draw ay fund-raising activity ng MOVE-Pagbilao kung saan ang nalikom na pondo ay itutulong sa mga mag-aaral ng adopted school ng samahan, ang Bagumbungan Elementary School. Win na win ang mga PagbilaWIN sa isa pang raffle draw. Ang mga papremyo rito ay handog ng San Miguel Corporation.
Anim (6) na guest celebrities naman ang nakisaya sa Gabi ng Pagdiriwang. Nagsilbing hosts ang mga komedyanteng sina Pepita at Chabelita. Hinarana nina The Voice Teens PH Finalist, Jeremy Glinoga; at Kapamilya rising actor and singer, Mark Rivera ang mga PagbilaWIN. Napa-wow ang mga PagbilaWIN nang bumirit ang dalawa pang sikat na The Voice Teens PH contestants na sina Nisha Bedaña at Emarjhun de Guzman.
Pinarangalan din sa pagdiriwang ang mga nagwagi sa katatapos lamang na Street Dancing Competition at kinilala ang Natatanging Grupo, ang CVE Colleges, Inc.
Sa pagtutulungan at pagkakaisa ng mga PagbilaWIN, Pamahalaang Bayan ng Pagbilao at Parokya ni Santa Catalina ng Alejandria, naging matagumpay ang pinagsama-samang pagdiriwang ng kultura, kasaysayan at buhay. (Isinulat ni MCPepaño)

No comments