Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga Guro Nagtipon Para sa Ikalawang Araw ng Quezon Educators Research Convention

Lungsod ng Lucena, Quezon - Sa patuloy na selebrasyon ng Niyogyugan Festival at pagkilala sa kabayanihan ng mga guro, isinagawa ngayong ika...

Lungsod ng Lucena, Quezon - Sa patuloy na selebrasyon ng Niyogyugan Festival at pagkilala sa kabayanihan ng mga guro, isinagawa ngayong ika-24 ng Agosto sa Quezon Convention Center ang ikalawang araw ng Quezon Educators’ Research Convention na dinaluhan ng higit 8,000 na mga guro mula sa una at ikatlong distrito ng lalawigan. Pinangunahan ng ama ng lalawigan, Gob. David C. Suarez kasama si Vice Gov. Samuel Nantes, mga kawani mula sa sektor ng lokal at nasyonal na pamahalaan, mga board members at panauhing tagapagsalita na si Dr. Allan De Guzman mula sa Unibersidad ng Sto. Tomas.

Sa mensahe ni Gob. Suarez, taos-puso niyang pinasalamatan ang mga guro sa kanilang pagdalo at pakikibahagi sa nasabing pagdiriwang. Kaugnay nito ay pinasalamatan din niya ang mga ito sa kanilang dedikasyon sa kanilang trabaho na siyang naging bahagi ng pagkakaroon ng mga matatalino at mahuhusay na Quezonian sa lalawigan kung saan nagpapakita sa kasalukuyan ng kanilang pagiging malikhain sa pamamagitan ng kanilang mga booths sa Niyogyugan Festival.

“Once every year, napagsasama natin ang galing at creativity ng mga Quezonians in celebrating Niyogyugan Festival. Everytime we celebrate the richness of Quezon Province tama lang na isabay natin ito sa teacher’s convention. Hindi kami ang rason kung bakit tagumpay ang Niyogyugan Festival, kaya mahuhusay at magagaling ang mga Quezonians because the people behind this are the teachers. Without you, we won’t have this. We’re not only celebrating culture heritage but also celebrating life.” pahayag ng gobernador.

Dagdag pa rito ay ipinagmalaki rin ni Gob. Suarez ang isa sa mga programa na malapit sa kanyang puso na higit pang nakatutulong sa pagpapaunlad ng mga kabataan sa lalawigan, ang Quezon’s First 1,000 Days of Life o Q1K. Naniniwala ang gobernador na sa tulong nito at ng mga masisipag na guro ng lalawigan ay siguradong magkakaroon ang Quezon ng mga matatalino, malulusog at mas mahusay na henrasyon ng mga mamamayan.

“Sa pamamagitan po ng Q1K, I promise you a generation of Quezonians who are smarter, better, healthier, more productive than the generation that we have today. Mahalaga po ang oras. Ito ang pinakamahala na bagay sa mundo, because once time passes, hindi na natin maibabalik ito. I’m asking you to give time to your students, you control their time and their development. Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyo at buong-puso ko pong kinikilala ang inyong kabayanihan.” pagtatapos ni Gob. Suarez. (Quezon – PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.