Pinangunahan ng Provincial Planning and Development Council Office sa pamamahala ni PPDC Officer-in-charge Maria Odessa Perez ang isina...
Masaya ring ibinalita ni Perez na nakapasa ang lalawigan ng Quezon sa regional validation para sa Seal of Good Local Governance mula sa Department of Interior and Local Government na isinagawa kamakailan kaalinsabay sa selebrasyon ng Niyogyugan Festival 2017. Inaasahan naman ang resulta ng national validation ng lalawigan sa mga darating ng buwan.
Samantala, buong-puso namang nagpasalamat si Provincial Administrator Romulo Edaño Jr. sa lahat ng mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan sa kanilang pakikiisa sa ginanap na pagdiriwang. Aniya, malaking ambag ito sa tagumpay na nakamit ng selebrasyon alinsunod sa pagpapamalas ng bawat bayan ng kani-kanilang angkin na produkto.
“Laman po ng social media at pinag-uusapan sa buong bansa ang ating Niyogyugan Festival. Dito po ipinakita natin ang kulay at saya ng ating lalawigan at kahit po nasa infancy stage pa lamang ang ating pagdiriwang, napatunayan po natin na kaya nating makipagsabayan sa malalaking festival sa bansa. Sa susunod pong taon ay aabangan natin kung paano pa natin mas mapaghahandaan ang ating pagdiriwang.” ayon kay Edaño.
Ibinahagi rin ni Edaño ang nakatakdang State of the Province Address ng ama ng lalawigan, Gob. David C. Suarez sa darating na ika-7 ng Setyembre upang magbigay ulat sa mga matagumpay ng proyekto at serbisyo ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng administrasyong Suarez. (Quezon-PIO)
No comments