By Allan Llaneta Alabat, Quezon - Pinag-aaralan na ngayon ng pamunuan Alternergy Philippine Holdings Corporation ang planong pagtatayo ng...
By Allan Llaneta
Alabat, Quezon - Pinag-aaralan na ngayon ng pamunuan Alternergy Philippine Holdings Corporation ang planong pagtatayo ng Wind Farm sa bayan ng Alabat Quezon.
Ang plano ay nag-ugat makaraang imbitahan nang lokal na pamahalaan ng Alabat ang mga investor para madagdagan ang posibleng pagkunan ng elektrisidad sa nasabing bayan.
Ayon kay Alabat Mayor Fernando Mesa, malaki ang maitutulong ng Wind Farm sa ekonomiya at turismo nang kanyang bayan kung matutuloy ang nasabing proyekto.
Marami na rin umano sa kanyang bayan ang gustong magtayo ng negosyo pero napipigilan ito dahilan na rin sa kakulangan ng suplay ng kuryente.
Suportado naman ng pamahalaang panglalawigan ng Quezon ang pinaplanong proyekto lalo pa nga at magdagdag ito ng karagdagang kaunlaran sa probinsya at magbibigay din ito ng trabaho sa mga Quezonian.
Ayon kay Quezon Provincial Government Chief of Staff Mr. Webster Letargo, laging handang tumulong pamahalaang panglalawigan sa pangunguna ni Gov David ‘Jayjay’ Suarez sa lahat ng hangaring pangkaunlaran na bawat bayan sa probinsya.
Samantala sinabi naman ni Alternergy Vice President Mr. Knud Headeger, na kailangan umano muna nila ng malalimang pag-aaral dito at titiyakin nila kung makasasapat nga ba ang lakas nang hangin sa lugar para sa pagtatayo ng wind farm.
Kung matutuloy naman ang proyektong wind farm sa bayan ng Alabat, ito ay posibleng magproduce ng minimum na 35 megawatts(MW) na makatutugon sa pangangailangan ng mga negosyong planong itayo sa nasabing lugar.

No comments