LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Iniulat ng Lucena City Police Station sa idinaos na pagpupulong ng Lucena City Peace and Order Council sa lung...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Iniulat ng Lucena City Police Station sa idinaos na pagpupulong ng Lucena City Peace and Order Council sa lungsod na ito noong Setyembre 22 na bumaba ng 27 porsyento ang bilang ng krimen sa lungsod ng Lucena mula Enero 2017 hanggang Agosto 2017 kumpara noong nakaraang taon sa katulad ding panahon.
Ayon sa Lucena PNP, umabot sa 1,133 ang bilang ng krimen sa lungsod ng Lucena mula Enero hanggang Agosto 2017 samantalang 855 naman ang bilang ng krimeng naitala mula Enero 2017 hanggang Agosto 2017 na mas mababa kung ikukumpara noong nakaraang taon.
Nabatid rin sa ulat ng Lucena PNP sa pulong na pinakamataas ang kaso ng ‘theft’ sa lungsod ng Lucena kumpara sa ibang uri ng krimen na naitala.
Lumalabas din sa ulat ng Lucena PNP station na dahilan sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan kontra droga ang isang naging dahilan o resulta ng pagbaba ng bilang ng krimen sa lungsod.
Samantala, patuloy ding isinasagawa ng Lucena PNP ang iba’t ibang programa na siyang makatutulong sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa lungsod.
Kabilang dito ang proyektong “Yakap Bayan” at community based rehabilitation program na naglalayong matulungan ang mga drug surrenderers na makapagbagong buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng hanapbuhay; proyektong USAD o United Stand Against illegal Drugs at proyektong ‘Tokhang” na kung saan umabot sa 142 operasyon ang kanilang naisagawa na naglalayon din na malabanan ang illegal drugs activities sa lungsod ng Lucena.
Samantala, sinabi naman ni Lucena City mayor Roderick Alcala na siya ring chairman ng nasabing konseho na patuloy na isasaayos ang Lucena City Police Station para maging outstanding police station. (GG/R. Orinday, PIA-Quezon)

No comments