Ex-Lucena City, Quezon Mayor Ramon Talaga Jr by Nimfa L. Estrellado LUNGSOD LUCENA, Quezon - Inabsuwelto ng Sandiganbayan ang kaso...
Ex-Lucena City, Quezon Mayor Ramon Talaga Jr |
by Nimfa L. Estrellado
LUNGSOD LUCENA, Quezon - Inabsuwelto ng Sandiganbayan ang kasong graft laban kay dating Lucena City, Quezon Mayor Ramon Talaga Jr na may kinalaman sa sinasabing pagbibigay umano nito ng pabor sa kanyang pinagkakautangan ng loob sa pamamagitan ng pagkakaloob nito ng bingo gaming franchise noong taong 2000.
Sa 16-pahinang desisyon na may petsang Oktubre 6 inilabas ni Associate Justice Bayani Jacinto ng Sandiganbayan Fourth Division, iginiit nitong nabigo na patunayan na si Talaga at siyam na konsehal ng lungsod ay nagkaroon ng sabwatan nang ipasa ang isang ordinansa na nagbibigay ng prangkisa noong Hunyo 2000 sa JES Recreation Corporation ni Jose Sy Bang, Jr. na sinasabing pinagkakautangan ng loob ng alkalde matapos na tulungan siya nito sa kanyang recall election.
“In the instant case, the prosecution failed to discharge the burden of proving the accused’s guilt beyond reasonable doubt, either of the alleged crime as charged, or of their conspiracy to commit the same,” ayon sa Sandiganbayan.
Sinabi ng korte na ang nagrereklamo na si Raymundo Nazario ng Elan Recreation, Inc.- na nawala ang bingo franchise nito pagkatapos ng veto ni Talaga - ay inamin na “inakala lamang niya na ang hindi nararapat na benepisyo ay ibinigay kay Sy Bang” dahil sa bilis ng enacment ng kanyang franchise ordinance.
Nabigo ang ang prosekusyon na ipakita na ang pag-endorso ni Talaga sa request letter ni Sy Bang sa city council ay hindi regular.
Ayon sa ulat, nakapaloob sa desisyon na walang ebidensya na magpapatunay na ginawa ni Talaga ang endorsement para kay Sy Bang na labas sa kanyang tungkulin bilang alkalde ng lungsod na pinaniniwalaang isang tangkang pang-impluwensya nito.
Ayon pa sa korte, wala namang ibang aplikante na nakikipagkumpetisyon para sa prangkisa ni Sy Bang.
Paglilinaw pa ng Sandiganbayan, ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang unang nagbigay ng bingo franchise.
Ang alkalde at ang mga konsehal ay hindi ipinakita na “specifically favored Sy Bang to the exclusion, disfavor, or detriment of any other individual.” Sinabi ng korte na walang iba pang mga aplikante na nakikipagkumpitensya sa kanya para sa franchise, at si Talaga ay nabanggit na binawtasan ang paggamit ng konseho ng salitang “eksklusibo” upang ilarawan ang franchise ng Sy Bang.
Kahit na ito talaga ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) na may kapangyarihan na magbigay ng mga franchise sa gaming, nalaman ng korte na walang kapaki-pakinabang na benepisyo ang ibinigay ng lungsod kay Sy Bang dahil nakakuha siya ng franchise mula sa korporasyon ng estado pa rin .
“Thus, it was the PAGCOR franchise that allowed Sy Bang to operate his bingo outlet and not Lucena City Ordinance No. 1963. Otherwise stated, Ordinance No. 1963 conferred no unwarranted benefit or privilege to Sy Bang,” sabi pa ng korte.
Bukod kay Talaga, na-acquit din ang mga konsehal na sina Godofredo Faller, Victor Paulo, Danilo Zaballero, Salome Dato, Simon Aldovino, Wilfredo Asilo, Philip Castillo, Aurora Garcia, at Romano Franco Talaga.
“To a certain extent, this creates a negative impression on the manner by which the preliminary investigation was conducted by the Office of the Ombudsman and puts to doubt the: motive behind the filing of this case,” pagpapahayag sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Bayani H. Jacinto at sinangayunana ni Associate Justices Alex L. Quiroz at Reynaldo P. Cruz.

No comments