Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Gandang Senyora & Singing Seniors

By Boots R. Gonzales LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Sa pagdiriwang ng National Tourism at Clean & Green week ay nagsagawa ng programa...


By Boots R. Gonzales

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Sa pagdiriwang ng National Tourism at Clean & Green week ay nagsagawa ng programa ang pamunuan ng Senior Citizens ng Barangay Market View sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si Bb Fanny Mendiola sa patnubay at gabay ni Punong Barangay Edwin H. Napule ng Gandang Senyora at Singing Senior. Ang programang ito ay isinagawa upang ipakita na ang ating mga lolo at lola ay mayroon pa ding ibubuga sa pagpapakita ng talento pagdating sa kantahan, sayawan at maging sa larangan ng pagandahan.

May walong kalahok ang Gandang Senyora na nagtagisan ng talino, talento at ganda mula sa walong purok ng barangay at may pitong kalahok sa Singing Seniors na nagtagisan ng talento sa larangan ng pag-awit. Dumating din sa nasabing programa ang isa sa executive assistant ni Mayor Roderick A. Alcala na si Kuya Totoy Traqueña upang ipahatid ang mensahe ng Punong Lungsod sa mga nagsipagdalo ng nasabing programa, gayundin ang Senior Board Member ng 2nd District ng Quezon na si Bokal Beth L. Sio bilang isa siya sa major sponsor ng programa. Sa huli ay itinanghal na panalo sa Singing Senior si Gng. Buena Obcemia, pumangalawa sa kaniya si G. Rafael Lobusta Jr at ang pangatlong nagwagi ay si Gng. Yolly Quimora.

Sa Gandang Senyora ay itinanghal si Gng. Belen Antaran bilang 2nd Runner up at Best in Talent, Ma. Fe Zulueta bilang Ms Photogenic at 1st Runner up at ang nagwagi bilang Gandang Senyora 2017 ay si Gng. Linda Novelero at nahakot din niya ang ilan sa mga minor awards katulad ng Best in Production Number, Best in Casual Attire, at Best in Formal Attire. Masaya at matiwasay na nagtapos ang programa sa kabila ng masungit na lagay ng panahon sa tulong at gabay ng Poong Maykapal.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.