Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Hepe ng Lucena City PNP, mayroong panawagan

Lunsod ng Lucena - Nagbigay panawagan si Police Superintendent Reynaldo Maclang, Officer-in-Charge sa kasalukuyan ng Lucena City Police Sta...

Lunsod ng Lucena - Nagbigay panawagan si Police Superintendent Reynaldo Maclang, Officer-in-Charge sa kasalukuyan ng Lucena City Police Station (LCPS) sa mga mamamayang Lucenahin na magbago na at itigil na ang pag-gamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Maclang, kapag nalulong ang isang indibidwal sa droga ay magkakaroon ito ng hindi maganda sa kanyang kalusugan na maaari ding magdulot ng negatibong epekto sa kaniyang pamilya.

Ito ang ipinahayag ni P/Supt. Maclang nang makapanayam ng TV12 sa ginanap na orientation ng isa sa mga programa nito para sa mga drug surrenderees mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod.

Dagdag pa ng kasalukyang hepe ng LCPS, na ang patuloy na pagbuo nito ng mga programa para sa mga surrenderer ay bilang pagtataguyod na mabago ang kanilang buhay at nang sa gayon ay hindi na madagdagan pa ang bilang ng tinatayang aabot sa 4,000 surrenderees ng lungsod.

Nais din ni Col. Maclang na magkaroon ng masidhing pakikipagtulungan ang bawat mamamayan ng lungsod sa kanilang tanggapan upang maipabatid sa mga ito na bukas ang kanilang opisina sa mga gustong sumangguni o magbigay ng impormasyon na makatutulong sa kanilang mga ginagawang operasyon sa pagsupo ng droga dito.

Patuloy namang gumagawa ng mga hakbangin ang kuwerpo ng pulisya sa lungsod upang higit na mabantayan ang seguridad ng bawat mamamayang Lucenahin at mapanatili ang kapayapaan dito. (PIO Lucena/ J.Escuterio)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.