Lunsod ng Lucena, Quezon – Isinagawa nitong ika-2 ng Oktubre sa SM City Lucena ang ika-apat na Pet & Owner Fun Run and Pet Blessing sa ...
Lunsod ng Lucena, Quezon – Isinagawa nitong ika-2 ng Oktubre sa SM City Lucena ang ika-apat na Pet & Owner Fun Run and Pet Blessing sa pangunguna ng Provincial Veterinarian’s Office.
Aktibong nakiisa ang halos 200 pet owners na nag-uwi na ilang freebies at certificate bilang pagkilala sa kanilang pakikibahagi sa naturang aktibidad. Kasabay nito ay isinagawa rin ang blessing sa mga alagang hayop ng mga nagsidalo.
Ayon kay Provincial Veterinarian, Dra. Flomel Caguicla, malaking hakbang pa man ang tatahakin ng lalawigan upang maging rabies-free province, patuloy pa rin naman ang aktibong pakikiisa ng Quezon upang tuluyan itong maisakatuparan. Aniya ang pagiging responsible pet owner ang isa sa mga sagot upang tuluyang tuldukan ang nakamamatay na sakit na rabies.
Ang nasabing kaganapan ay isa lamang sa mga aktibong hakbang ng pamahalaang panlalawigan sa serbisyong paghahayupan sa pangunguna ng Provincial Veterianarian’s Office at suporta ng ama ng lalawigan, Gob. David C. Suarez. (Quezon-PIO)

No comments