Dahilan sa pangunahing programa ng Pamahalaang Panlungsod sa pamumuno ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala ang magkaroon ng sariling lupain na...
Dahilan sa pangunahing programa ng Pamahalaang Panlungsod sa pamumuno ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala ang magkaroon ng sariling lupain na maaaring tirhan ng bawat mamaamayang Lucenahin kasama ang bawat empleyado ng lokal na pamahalaan ay patuloy ito sa pagkakaloob ng mga proyektong may kinalaman dito.
Kaugnay ng nasabing usapin, base sa inilahad na accomplishment report ni Julie Fernandez hepe ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) at kasalukuyang Presidente ng Lucena City Government Employees Union (LCGEU) ay umabot sa 241 ang bilang ng mga permanent employees ng City Government ang mapagkakalooban ng pabahay.
Bagamat hindi ito libre ay mas maliit naman ang magiging buwanang hulog ng mga napiling benepisyaryo kumpara sa mga housing projects ng iba’t-ibang kumpanya.
Ayon kay Fernandez, kanila nang naisumite ang pangalan ng mahigit 200 empleyado para sa apat na ektaryang lupa sa bahagi ng Brgy. Ibabang Iyam na equivalent sa 284 lots mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP na inendorso sa City Mayor’s Office.
Dagdag pa ng presidente ng LCGEU, 188 ang bilang ng mga pangalan na kasama sa unang mababahaginan nito sinundan naman ng 29 at ang third priority aniya ay 24 at mayroon pang remaining na 43 lote.
Ang proyektong pabahay na ito para sa mga permanent employees ng lokal na pamahalaan ay bukod pa sa housing project na DonVictor Ville na para naman sa mga job order at miyembro ng Jeepney Operators and Drivers Association sa lungsod (JODA).
Inaasahan na mailalahad ng LCGEU ang pangalan ng mga kwalipikadong benepisyaryo ng naturang proyekto sa lalong madaling panahon.
Iba’t-ibang tulong din ang ibinibigay ng nasabing unyon para sa mahigit 400 miyembro nito kagaya na lamang ng financial, medical, at burial assistance na kanilang ipinagkakaloob sa mga nangangailan. (PIO Lucena/ J.Escuterio)

No comments