Lunsod ng Lucena, Quezon – Patuloy na dumarami ang mga opisyales at kinatawan ng iba’t-ibang Local Government Unit (LGU) sa lungsod upang p...
Lunsod ng Lucena, Quezon – Patuloy na dumarami ang mga opisyales at kinatawan ng iba’t-ibang Local Government Unit (LGU) sa lungsod upang personal na makita at mapag-aralan ang ilan sa mga programa at proyektong ipinapatupad ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala.
Kaugnay ng nabanggit na usapin, bumisita kamakailan ang mga opisyales mula sa Sibalom, Antique sa lungsod at nag-tungo sa mga establisyemento na bahagi ng mga proyekto ng Pamahalaang Panlungsod.
Namangha naman ang mga opisyales na taga-Sibalom, Antique sa mga proyektong ito na naisakatuparan ng liderato ni Mayor Dondon Alcala bilang pagtugon sa iba’t-ibang pangangailangan ng mga mamamayang Lucenahin.
Partikular na sa Sanitary Landfill ng lungsod na matapos mapabayaan ng mahabang panahon ay naisaayos sa maikling panahon lamang bilang pag-sunod na rin ng City Government sa mga probisyong itinatakda ng batas hinggil sa pagkakaroon ng naturang pasilidad ng bawat lokalidad.
Base sa nakalap na impormasyon ng TV12, ito ang nagbunsod sa mga nasabing opisyales na bisitahin ang lungsod dahil na-assign sa kanilang lugar ang isang miyembro na minsan ng sumuri ng mga ng mga pamantayang itinatakda ng Department of Interior and Local Government (DILG) upang makapasa ang lungsod na magawaran ng Seal Of Good Local Governance (SGLG).
Tinatayang simula pa noong 1980’s ay tinagurian na ang naturang lugar bilang Open Dumpsite na pinaglalagyan ng mga basurang hindi lamang mula sa lungsod kundi maging sa iba pang bayan sa lalawigan ng Quezon.
At simula ng maupo bilang alkalde si Dondon Alcala ay kaniyang binigyang prayoridad na maisaayos ito at itinalaga si Rosie Castillo bilang Officer-in-Charge ng City General Services Office (CGSO) na pangunahing tanggapan na may tungkulin na iayos ang naturang pasilidad.
Binigyan ni Mayor Dondon Alcala si Castillo ng timeframe na anim na buwan upang gawing Sanitary Landfill ang Open Dumpsite ng lungsod.
Ayon kay Rosie Castillo, sa una ay naging mahirap ito para sa kanya ngunit kanyang tinanggap ang hamon na ito sa kagustuhan na rin niyang mabago ang naging gawi ng mga mamamayan hinggil sa pagtatapon ng basura.
Kung kaya sa pamamagitan ng striktong pagpapatupad ng batas patungkol dito at sa tulong ng iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlungsod ay naisakatuparan ang matagal ng pangarap na maiayos ang Sanitary Landfill na ito.
Ang pagsasa-ayos ng naturang lugar ay bilang pagtalima na rin ng City Government of Lucena sa kautusan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magkaron ng Sanitary Landfill sa bawat LGU sa buong bansa. (PIO Lucena/ J.Escuterio)

No comments