Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Municipal Coordinators, Patuloy ang Pagsasanay para sa Q1K program

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Sumailalim kamakailan sa isang Training on Mobilizing Breastfeeding Support Group for Infant and Young Chi...


LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Sumailalim kamakailan sa isang Training on Mobilizing Breastfeeding Support Group for Infant and Young Child Feeding Program ang higit 20 na bagong municipal coordinators ng programang Quezon’s First 1,000 Days of Life o Q1K.

Ayon kay Nutritionist-Dietician, Emma Coronado, hangarin ng limang araw na pagsasanay na mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga coordinators ukol sa wastong pangangalaga ng mga buntis simula sa kanilang pagpapasuso hanggang sa pagbibigay ng mga complimentary foods sa mga sanggol.

Kasalukuyang isinasagawa ang pakikipag-ugnayan ng mga coordinators sa iba’t-ibang munisipalidad upang makahanap ng mga potential beneficiaries ng programang Q1K na magbibigay tulong at suporta sa mga ina mula sa unang araw ng pagbubuntis hanggang sa maka-dalawang taong gulang ang sanggol.

Ang nasabing programa ay patuloy na tinututukan ng Q1K technical working group kaugnay sa malawakang implementasyon nito sa buong lalawigan sa gabay at suporta ng ama ng lalawigan, Gob. David C. Suarez. (Quezon-PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.