By Boots R. Gonzales Lunsod ng Lucena, Quezon – Sa pagdiriwang ng National Tourism at Clean & Green week ay muling isinagawa ang Mu...
Lunsod ng Lucena, Quezon – Sa pagdiriwang ng National Tourism at Clean & Green week ay muling isinagawa ang Mutya at Lakan ng Market View 2017 ang Task Force on Youth Development Council ng Barangay Market View katuwang ang Ating Barkada Kontra Droga sa patnubay at gabay ng Punong Barangay Edwin H. Napule bilang kampanya sa kanilang adbokasiya pagdating sa pangangalaga ng kapaligiran, paglaban sa ipinagbabawal na gamot at pagpapaunlad ng bawat isang Marketviewhin sa iba’t-ibang larangan katulad ng pag-awit, pagsasayaw at paligsahan ng kagandahan at katalinuhan.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang doxology sa pangunguna ng mga munting Marketviewhin. Kasunod nito ay ang AVP presentation para sa pag-awit ng pambansang awit ng Pilipinas. At pormal na sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pambungad na pananalita mula sa isa sa TFYD Official na siya ring pangulo ng ABKD na si Bb Althea Napule. Matapos iyon ay binigyan ng pagkakataon magbigay ng mensahe ang Punong Barangay Edwin H. Napule para sa mga nagsipagdalo at mga naging punong abala sa nasabing programa. Nagpasalamat siya sa mga batang siyang naging organizer ng palatuntunan. Maging sa mga personalidad na nagbigay ng malaking kontribusyon upang maging matagumpay ang Mutya at Lakan ng Market View katulad na lamang ni Bokal Beth L. Sio, Congressman Kulit Alcala at Mayor Dondon A. Alcala dahil sa taon-taong suportang ibinibigay nila sa mga programa ng Barangay. Kasunod nito ay isa-isang ipinakilala ang mga pinagpipitaganang mga hurado, ang una ay ang isa sa mga sponsor ng Mutya at Lakan na si G. Jeffrey Spencer Dael mula sa Sleekshutter Photography. Kasunod ay si Bb. Erika Mari Japor na kilala beterana pagdating sa mga beauty pageants, sinundan siya ng Mr. St. Anne College of the Pacific na si G. Ace Marwin Marasigan, na isa din sa mga sponsor ng programa, kasunod niya ay si Bb Francia B. Malabanan na ngayon ay siyang tagapamahala sa Lucena City Anti-Drug Abuse Council at ang huli na siyang naging punong hurado sa palisagsahan ay si G. Jose Benigno Rafael Nacorda na nagmula sa ahensya ng Provincial Tourism.
Sa pagsisimula ng ikalawang bahagi ng programa ay naglabasan ang mga naggagandahan at naggagwapuhang kandidato at kandidata sa kanilang production attire na may temang Tinapa Festival sa promotion ng pangunahing produkto ng barangay ang Tinapa. Kasunod nilang paglabas ay ang Casual Wear at sinundan nito ay ang kanilang swim wear competition. Matapos iyon ay ang pagpapakita ng kanilang mga talento na may temang nauukol sa pangangalaga sa kapaligiran. Matapos ito ay binigyan ng pagkakataong makapagbigay ng mensahe ang mga espesyal na bisita na siya ring mga major sponsors ng programa na sina Bokal Beth Sio sa katauhan ng kanyang personal secretary na si Bb Grace Soriano, Mayor Dondon Alcala sa katauhan ng kanyang executive assistant na si G. Joe Colar. Sinundan ito ng paglabas ng mga kandidato at kandidata suot ang kanilang naggandahang mga formal attire na ginawa ni G. Eric Bonilla. Binigyan naman ng pagkakataong magbigay ng kanilang mensahe ang mga founder na Mutya sa katauhan ni G. Roderick De Luna at Lakan sa katauhan ni Bb Janinne S. Napule. Binigyan din sila ng plake ng pagkilala bilang pagpapasalamat sa kanilang naiambag sa kasaysayan ng barangay Market View. Binigyan naman ng plake ng pasasalamat si PB Edwin H. Napule sa pagsuporta niya sa mga programang pangkabataan ng TYFD at ABKD. Sa huling bahagi ay nagtagisan ang mga kalahok ng talino sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan na nakatuon sa Social Issues na nangyayari sa kasalukuyan. Sa huli ay itinanghali sina Johanna Marie Remoroza, Isces Kamil Quiambao (Best in Swimwear) at Jessa Lasquety (Ms. Congeniality) bilang mga Mutya ng Market View Runner Ups at Mark Joseph Danganan, Gardo Pedernal, at John Marcus Perilla bilang mga Lakan ng Market View Runner Ups. Itinanghal na Mutya at Lakan ng Lupa sina Mary Grace Navela at Art Toletino na siya ring naging Mr. Congeniality . Sina Aileen Go na siya ring nagwagi sa best in Production at Best in Production Attire at Judiel Rivera ay itinanghal bilang Mutya at Lakan ng Tubig. Itinanghal sina Roselle Bagunu, (Ms. Photogenic, Best in Casual Wear at Best in Formal Wear) at si Renz Lorredo bilang Mutya at Lakan ng Hangin. Sina Kathleen Lobusta na tinanghal ding Best in Talent at Meinard Delos Reyes na tinanghal na Best in Swimwear ang nagwagi bilang Mutya at Lakan ng Apoy. At ang itinanghal na Mutya at Lakan ng Market View - Turismo 2017 ay sina Mutya ng Turismo Lizette Dialola mula sa Greenhills Phase III at Lakan ng Market View - Turismo na si Cedric James Cuasay mula sa Purok Atin-Atin I na siya ring itinanghal na Mr. Photogenic, Best in Production, Best in Production Attire, Best in Talent, Best in Casual wear at Best in Formal wear. Naging maganda ang kabuuan ng programa sa direksyon ni G. Leo Levin Malasmas at nagtapos ng matagumpay at matiwasay sa patnubay at gabay ng Poong Maykapal.
No comments