Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Orientation hinggil sa programang SIPAG ng Lucena City PNP, matagumpay na isinagawa

Matagumpay na isinagawa ang orientation ng programang SIPAG na ang ibig sabihin ay Simula ng Pag-asa ng pamunuan ng Lucena City PNP sa pan...

Matagumpay na isinagawa ang orientation ng programang SIPAG na ang ibig sabihin ay Simula ng Pag-asa ng pamunuan ng Lucena City PNP sa pangunguna ng Officer-In-Charge nito, Police Superintendent Reynaldo Maclang kamakailan.

Ginanap ang naturang aktibidad sa Event Center ng SM City Lucena, na dinaluhan ng mga drug surrenderees mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod.

Dumalo din ang bawat kapitan sa mga naturang barangay upang ipakita ang kanilang pagsuporta sa programang ito ng Lucena City PNP kasama ang kasalukuyang ABC President Jacinto ‘Boy’ Jaca, ang namumuno sa City Anti-Drug Abuse Council Francia Malabanan, at ilang mga kinatawan mula sa Association of Lucena Evangelical Mission (ALEM).

Ang naturang programa ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Lucena City PNP sa City Department of Interior and Local Governmen (DILG) at sa mga nasabing tanggapan.

Ayon kay Maclang ang SIPAG ay programa ng Region IV-A Police Office sa pangunguna ni Regional Director Ma.o Aplasca at ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) Roderick Aramamento sa pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang regional sector upang bigyang pag-asa na magbago ang mga drug surrenderees ng lungsod.

Sa ilalim ng nasabing programa aniya ay may 12 stages ng educational seminar na may layuning maibalik ang self-esteem ng mga surrenderer at magkaron ng oportunidad na mabago ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Panginoon.
Tinatayang umabot sa 4,000 and drug surrenderee sa lungsod na inaasahang makapag-tatapos sa naturang programa ng Lucena City PNP at mabibigyan ng pagkakataon na maghanap-buhay ng maayos na hindi bumabalik sa kanilang maling gawi.

Ang pakikiisa ng bawat kapitan at ng ilan pang mga tanggapan ng Pamahalaang Panlungsod ay pagpapatunay na sinusportahan nila ang mga hakabangin ng pamunuan ng kuwerpo ng kapulisan sa lungsod sa pagsugpo at tuluyang pagtigil sa paglaganap at pag-gamit ng ipinagbabawal na gamot. (PIO Lucena/ J.Escuterio)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.