Lunsod ng Lucena, Quezon - Dinaluhan ng mga municipal coordinators at Q1K coordinators mula sa iba’t-ibang bayan ang isinagawang orien...
Lunsod ng Lucena, Quezon - Dinaluhan ng mga municipal coordinators at Q1K coordinators mula sa iba’t-ibang bayan ang isinagawang orientation ng Quezon’s First 1,000 Days of Life Program kamakailan sa Bulwagang Kalilayan.Pinangunahan ni Gob. David C. Suarez kasama ang Q1K Technical Working Group ang nasabing pagpupulong upang mas bigyang linaw ang hangarin ng programa na patuloy na paunlarin ang lalawigan sa pamamagitan ng wastong pag-aalaga sa mga susunod na henerasyon ng mga Quezonian sa pamamagitan ng programang Q1K.
Pagtutulungan at pagkakaisa ang nais makamit ng gobernador para sa isasagawang malawakang implementasyon ng programa sa lalawigan. Aniya, mahalaga ang pagiging isa at pagbibigay suporta ng bawat kawani upang maging matagumpay ang isang programa.
“We have to work together. Sa pagtagal ng panahon, marami kayong pagdadaanan sa programa, but always remember that our top priority is the success of the program sa pamamgitan ng pagiging isa at pagbibigay suporta.” pahayag ni Gob. Suarez.
Sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor, nabibigyang kabuhayan rin ang ilan sa mga benepisyaryo ng programa sa tulong ng gulayan sa bakuran. Ayon kay Provincial Agriculturist Roberto Gajo, aktibong nakikibahagi ang kanilang tanggapan sa pamahalaang panlalawigan upang tutukan ang kalusugan ng mga ina at sanggol sa lalawigan.
Nagpasalamat naman si Q1K Program Management Officer, Dra. Grace Santiago sa inisyatibong ito ng gobernador upang pag-isahin ang mga kawani ng lokal at panlalawigang pamahalaan sa pamamagitan ng programa.
Siniguro naman ng mga coordinators ng bawat bayan ang kanilang aktibong pakikiisa sa implementasyon ng Q1K program upang makapaghatid ng mahusay na serbisyo sa mga kapwa Quezonian sa pangunguna pa rin ng ama ng lalawigan, Gob. David C. Suarez. (Quezon-PIO)
No comments