Lungsod ng Lucena - Sa layunin na mas lalong mapaunlad ang kalidad ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa lalawigan ng Quezon, nagsagawa ng ...
Lungsod ng Lucena - Sa layunin na mas lalong mapaunlad ang kalidad ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa lalawigan ng Quezon, nagsagawa ng isang “Orientation for the Kalilayan IP Recipients and Interagency Conference” ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pakikipagtulungan sa DepEd Quezon katuwang ang iba’t-ibang ahensya sa lalawigan at ang Quezon’s First 1000 Days of Life Program, ika- 24 ng Oktubre sa Sevillas Resort, Lucena City.
Ang Kalilayan IP ay isang komprehensibong programa na naglalayong makapagbigay ng mga serbisyo na magpapaunlad, magpapatibay at magpapayaman sa kultura at pamumuhay ng mga katutubo sa lalawigan ng Quezon. Ito ay nangangahulugang “Komprehensibong Aksyon sa Literasi, Lakang Pamayanan at Kabuhayan” na nakatuon sa tatlong mahahalagang aspeto; Education Literacy, Community Development at Livehood.
Kabilang sa mga bayan na makakatanggap ng Kalilayan IP project ang bayan ng Buenavista, Burdeos, Catanauan, General Nakar, Mauban, Lopez at Perez na napagalaman na sa mga bayan na ito ang may pinakamadaming bilang ng mga katutubo sa lalawigan.
Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng iba’t-ibang ahensya sa lalawigan gaya ng Provincial Nutrition Action Office, Provincial Health Office, Provincial Social Welfare and Development Office, Provincial Gender and Development Office, Provincial Employment and Services Office, Department of Labor and Employment, Technical Education and Skills Authority, Philippine Coconut Authority, National Commission on Indigenous People at Quezon’s First 1000 Days of Life Program na nagbigay din ng kani-kanilang mai-aambag na serbisyo at gawain para sa pagsulong ng programa.
Sa isang pagsusuri na isinagawa ng Technical Working Group ng Kalilayan IP at DepEd Quezon, ang lalawigan ay mayroong kabuoang 9, 537 na katutubo at ayon din sa pagsusuring ito umaabot sa 2,201 na katutubo lamang ang nabibigyan ng pormal na edukasyon.
Samantala, ipinahayag ng Schools Division Superintendent na si Ma’am Merthel Evardome, CESO VI, ang kaniyang taos-pusong pasasalamat sa pamahalaang panlalawigan lalo na kay Gov. David C. Suarez sa pagbibigay ng oportunidad na mailunsad ang proyekto sa iba’t-ibang komunidad ng katutubo sa lalawigan ng Quezon.
Inaasahan naman ang buong suporta ng mga katuwang na ahensya sa pagpapatupad ng proyekto at nawa ito ay magsilbing hakbang upang lalong mapabuti at maiangat ang kalagayang pantao ng mga mamayan sa probinsya ng Quezon lalo na ang mga katutubo. (Quezon-PIO)

No comments