Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Quezon LGU, nagkaloob ng visibility vests at signages sa QPPO

LUNGSOD LUCENA, Quezon -- Pormal na ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ni provincial administrator Rommel Ed...

LUNGSOD LUCENA, Quezon -- Pormal na ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ni provincial administrator Rommel Edaño ang may 1,800 police visibility vests at 100 signages sa Quezon police provincial office sa idinaos na opening ceremony ng SWAT training at paglulunsad ng “Project Maharlika” sa SOLCOM Grandstand, Camp Nakar, Lucena City noong Oktubre 11.

Sa opening ceremony ng SWAT training, sinabi ni QPPO acting provincial director PSupt. Rhoderick Armamento na ang SWAT training course na dadaluhan ng may 65 police officers ay bahagi ng programa ng QPPO upang mapalakas ang programa sa pagsugpo sa krimen sa lalawigan ng Quezon sa pakikiisa ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon at ng mga lokal na pamahalaan.

Ang mga signages naman na may nakalagay na “Stop - PNP checkpoint” ay ilalagay sa mga pangunahing lansangan upang masigurong walang mga makakapasok na mga bagay na ipinagbabawal sa lalawigan ng Quezon. Ang SWAT training ay isasagawa sa loob ng 45 araw ay magsisilbing paghahanda ng QPPO kontra terorismo, hostage rescue, crowd dispersal at iba pang mga programa para sa katahimikan at kaayusan ng mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Quezon, ayon pa kay Armamento

Dumalo at naging panauhing tagapagsalita sa okasyon si PNP regional director PCSupt. Mao Aplasca na nagpahayag ng pagbati kay ARD Armamento at iba pang opisyal ng Quezon Police Provincial Office para sa magandang performance sa mga programa ng PNP sa mga nakaraang buwan.

Samantala, sinabi naman ni provincial administrator Edaño na patuloy na susuporta ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni gobernador Suarez sa mga programa ng Quezon PNP kagaya ng programa kontra droga at iba pang programa para sa pagpapanatili ng katahimikan sa lalawigan ng Quezon. (GG/Ruel Orinday, PIA-Quezon)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.