LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Selebrasyon ng Mayor’s Night ng Dalubhasaang Lungsod ng Lucena, dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala Kasabay ng...
Sa naging mensahe ni Mayor Alcala para sa mga mag-aaral sa naturang paaralan, kaniyang binati ang lahat ng pamunuan at mga mag-aaral dito sa kanilang araw ng pagkakatatag. Gayundin inihayag rin ng alkalde sa lahat na mas aayusin at mas pagagandahin pa ang nasabing paaralan. Buong ipinagmalaki rin ni Mayor Dondon Alcala sa mga dumalo dito na tanging sa Dalubhasaang Lungsod ng Lucena lamang sa lalawigan ng Quezon, ibinibigay ng libre ang pag-aaral ng mga estudyante at hindi pinakikialaman ng kahit na sinong pulitiko.
Bukod pa rin aniya sa mga magagaling na propesor, maging ang mga gastusin sa araw ng pagsisipagtapos ng mga mag-aaral dito ay libreng ipinagkakaloob tulad na lamang ng kanilang gagamiting toga, ang handa para sa mga ito at sa kanilang mga magulang gayundin ang litrato ng mga ito. Matapos nito ay nagpakitang gilas naman ang ilan sa mga naging alumni ng DLL sa kanilang panauhing pandangal na kung saan ay nagsayaw at ang ilan sa mga ito ay kumanta.
Mayroon ring nagbigay ng kanilang mensahe ng pasasalamat para sa kanilang “daddy” dahilan sa tulong na ibinigay nito para maabot ang kanilang pangarap na makatapos ng pag-aaral. Kasunod nito ay naghandog naman ng tradisyunal na sayaw ang mga guro ng DLL na siya namang ikinalugod nina Mayor Dondon at Maggie Alcala. Binigyang parangal rin ng mga pamunuan ng naturang paaralan ang mga guro at personnel ng DLL para sa tagal nila sa serbisyo dito. Pinasalamatan rin ni Mayor Alcala ang lahat ng mga nabigyan ng parangal na nabanggit dahilan sa mga nagawa ng mga ito para sa DLL.
Ang paglilibre ng pag-aaral sa Dalubhasaang Lungsod ng Lucena ay isa lamang sa mga programa ni Mayor DOndon Alcala sa larangan ng edukasyon dahilan sa ito ay isa sa mga prayoridad na programa ng alkalde dahilan sa pagnanais nito na ang bawat Lucenahin ay makatapos ng kanilang pag-aaral upang magkaroon ang mga ito ng maayos at magandang buhay. (PIO Lucena/ R. Lim)
No comments