Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

181 magsasaka, nagsipagtapos ng kursong Quezon Agri-Eskwela!

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Kinilala kamakailan sa Kalilayan Hall, Lungsod ng Lucena ang 181 na magsasaka ng mais, palay at gulay mul...





LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Kinilala kamakailan sa Kalilayan Hall, Lungsod ng Lucena ang 181 na magsasaka ng mais, palay at gulay mula sa bayan ng Tiaong, Atimonan, Pagbilao, Candelaria at Lungsod ng Tayabas bilang mga nagsipagtapos sa isinagawang Farmers Field School (FFS) o Quezon Agri-Eskwela.

Bahagi ng adhikain ni Gob. David Suarez ang mabigyan ang mga magsasaka sa buong lalawigan ng wastong kaalaman at karanasan tungo sa progresibong pangangalaga ng kanilang lupang taniman hanggang sa produksyon ng mga ito, kung kaya’t inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor (OPA) ang Farmers Field School o Quezon Agri-Eskwela na naglalayong tugunan ang pangangailangan ng mga ito.

Bukod sa sertipiko ay ginawadan din ang mga natatanging mga magsasaka na nagpamalas ng kanilang angking galing at talino sa loob ng kurso ng pag-aaral.

Inaasahan naman na madadagdagan pa ang bilang ng mga magsasakang sasailalim sa programa ng pamahalaan tungo sa mas maunlad na kabuhayan sa suporta ng ama ng lalawigan, Gob. David C. Suarez. (OPA/Quezon-PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.