Nagpasalamat ang ilang mga senior citizens sa mga programang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Roderick ‘Dondon’ A...
Nagpasalamat ang ilang mga senior citizens sa mga programang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala para sa sektor ng mga senior citizens ng lungsod.
Ang mga senior citizens na nakapanayam ng TV12 ay mga benepisyaryo ng libreng bakuna laban sa trangkaso na ipinagkaloob para sa mga lolo at lola ng Brgy. Dalahican kamakailan.
Isa si Tatay Primitibo Mondragon, sisentay sais anyos at residente ng nasabing barangay sa mga napagkalooban ng flu vaccine na ito at nai-enroll sa Hypertension and Diabetes Club na isa sa mga programang ipinatutupad ng nasyunal na pamahalaan na kung saan mayroong libreng gamot para sa mga indibidwal na may nasabing sakit.
Bilang members nito may access sila sa mga sumusunod na libreng gamot tulad ng Losartan, Amlodipine, Metformin at iba pa.
Bukas ang naturang programa para sa mga mamamayang Luenahin na kapos sa pinansyal na aspeto o walang kakayang bumili ng regular na gamot pang maintenance.
Kung kaya malaki ang pasasalamat ni Primitibo Mondragon sa alkalde sa patuloy nitong pagsuporta sa tulad niyang senior citizen na at pangangalaga ng kanilang kapakanan.
Dagdag pa sa mga nakapanayam ng aming grupo ay si Nanay Iluminada Vergara, may edad na animnapu’t siyam at solong naninirahan sa naturang barangay na madalas nahihilo at nanghihina ang katawan na maaaring dulot na rin ng kaniyang katandaan.
Halos mangiyak ito ng kaniyang ipaabot ang pasasalamat kay Mayor Dondon Alcala sapagkat sa matagal na panahon ay ngayon lamang niya naramdaman na tinutugunan ang iba’t-ibang pangangailangan ng kanilang sektor.
Sa katunayan, ilan nga sa mga prorama ng pamahalaang panglunsod para sa mga senior citizens ay ang pagkakaloob ng birthday cash gift sa kanila tuwing sasapit ang kanilang kaarawan.
Bukod pa dito ang libreng panonood ng sine at libreng ballroom at marami pang iba.
Ipinapakita lamang ni Mayor Alcala na buo ang kaniyang pagsuporta sa mga nakatatandang sector ng lungsod at kaniyang pinahahalagahan ang kapakanan ng mga ito bilang pagpapakita ng kaniyang respeto.
Patuloy na gumagawa ng mga pamamaraan ang administrasyon ng Bagong Lucena sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala sa sector ng mga senior citizens sa lungsod dahil isa ang nasabing sector sa mga prayoridad na pinagtutuunang pansin ng punong lungsod. (PIO Lucena/ J. Escuterio)

No comments