Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ilang mga Lucenahin na benepisyaryo ng BLHP, binigyan ng financial assistance ni Mayor Dondon Alcala

Binigyan ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala ng financial assistance ang ilang mga Lucenahin na benepisyaryo ng Bagong Lucena Health Program ...

Binigyan ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala ng financial assistance ang ilang mga Lucenahin na benepisyaryo ng Bagong Lucena Health Program (BLHP) kamakailan.

Ginanap ang nasabing aktibidad sa tanggapan ng alkalde sa Lucena City Government Complex (LCGC) na kung saan personal nilang tinanggap ang nasabing financial aid.

Ang mga Lucenahin na nabigyan nito ay sasailalim sa kani-kaniyang operasyon gaya ng bato sa apdo at iba pa.

Sa ilalim ng naturang programa ay maaaring magpagamot ang mga Lucenahin sa mga pribadong ospital ng lungsod na may iniindang sakit o karamdaman ng walang binabayaran.



Handog din ng BLHP ang iba’t-ibang serbisyo patungkol sa pangangalaga sa kalusugan ng bawat residenteng naninirahan sa iba’t-ibang barangay anuman ang kanilang edad.



Taos-puso namang nagpasalamat ang mga Lucenahin na napagkalooban nito kay Mayor Dondon Alcala sa patuloy nitong pagtulong at pagbibigay ng programa tulad ng BLHP na lubos nilang napakikinabangan.



Patunay lamang na hindi isinasasantabi ng Pamahalaang Panlungsod sa pangunguna ng alkalde ang aspetong pangkalusugan ng komunidad at patuloy ito sa pagbuo ng mga programa at proyektong makatutulong upang maiangat ang antas nito sa lungsod.



Kung matatandaan, nabigyan ng parangal ng Regional Office ng Department of Health (DoH) ang BLHP dahil sa nagsisilbing katuwang ng lokal na pamahalaan ang apat na pribadong ospital na matatagpuan sa lungsod sa pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga nangangailangang mamamayan nito.



Ito ang isa sa nagsisilbing motibasyon ng Pamahalaang Panlungsod upang patuloy na bigyan ng maayos at magandang serbisyo ang mg Lucenahin. (PIO Lucena/ J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.