Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ilang mga pampublikong paaralan sa lungsod, pinagkalooban ng sound system ni Mayor Dondon Alcala

Aabot sa tinatayang 8 mga pampublikong paaralan sa lungsod ang pinagkalooban ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ng mga bagong sound system k...

Aabot sa tinatayang 8 mga pampublikong paaralan sa lungsod ang pinagkalooban ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ng mga bagong sound system kamakailan.

Ang mga paaralan na ito ay kinabibilangan ng mga publis elementary school ng Bliss sa Brgy. Mayao Crossing, West IV sa Brgy. 5, East II sa Brgy. 7, East III sa Brgy. 10 at Hermana Fausta sa bahagi ng Brgy. Silangang Mayao.

Maging ang ilang mga pampublikong sekunbdarya ay binigyan rin ng naturang kagamitan nakung saan ay kabilang sa mga ito ang Cotta National High School, Ilayang Dupay National High School, at Lucena City National High School Silangang Mayao Extension.

Personal na ipinagkaloob ang mga kagamitang ito ni Mayor Dondon Alcala kasama ang OIC ng City Geaneral Services Office na si Rosie Castillo.

Sa naging pananalita ni Mayor Alcala, nagbigay tagubilin ito sa lahat ng mga tumanggap ng pinagkaloobang paaralan na ingatan ang mga ibinigay na ito ng pamahalaang panlungsod sa kanila.

Pabiro pang sinabi ng lakaldena sa susunod na pagtungo nito sa kanilangmga paaralan ay tiyak na hindi na mapupulaan ang mga ito sa kanilang sound system.

Humingi naman ng paumanhin ang OIC ng CGSO na si Mam Rosie Castillo sa pagkakaantala ng pamamahaging ito sa kanila dahilan sa aniya ay dumaan pa ang mga ito sa BAC para sa tamang proseso.

Kinabibilangan ng dalawang malalaking speakers, DVD player, amplifier at mga mikropono na syang malaki ang maitutulong para mga paaralan sa anumang aktibidad na kanilang gagawin dito.

Ang pagkakaloob na ito ng mga naturang kagamitan ay isang paraan lamang ni Mayor Dondon Alcala na pagsuporta sa sector ng edukasyon dahilan sa isa sa ninanais ng alkalde para sa mga kabataang Lucenahin ay magkaroon ang mga ito ng dekalidad na edukasyon. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.