Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Kauna-unahang Mass wedding sa BJMP District Jail sa Talipan, matagumpay na isinagawa

Sabay-sabay na ikinasal ang labindalwang pares sa isinagawang mass wedding sa loob ng kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology (B...

Sabay-sabay na ikinasal ang labindalwang pares sa isinagawang mass wedding sa loob ng kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) District Jail na kasalukuyang pinamumunuan ni Jail Chief Inspector Jose Esquinas, sa Brgy. Talipan Pagbilao, Quezon kamakailan.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isinagawa ang kasalang bayan sa nasabing pasilidad na kung saan tinatayang nasa 1,362 ang bilang ng mga bilanggong nasa kanilang piitan.

Pinangunahan nina Fr. Bryan Cabrera at Arcie Jacela ang naturang seremonya at binigyang-diin ni Fr. Bryan sa kaniyang homiliya na gawing sentro ng kanilang pagsasama ang Diyos dahil aniya ang mag-asawang may takot sa Diyos ay mag-asawang hindi gagawa ng bagay na makasisira ng kanilang relasyon.

Nakipag-ugnayan ang pamunuan ng BJMP District Jail Talipan sa Volunteer in Prison Service (VIPS) ng simabahang Katoliko na siyang nag-facilitate ng nasabing aktibidad, nag-conduct ng seminar para sa mga kakasalin at namahala sa mga proseso patungkol dito.

Samantala, sa isinagawang ekslusibong panayam ng TV12 kay Jail Chief Inspector Esquinas, ang nagbunsod upang isakatuparan ang naturang mass wedding na ito ay ang mabigyan ng oportunidad na maging ligal ang pagsasama ng mga dumadalaw sa mga inmates na nasa kanilang kustodiya.

Bilang bahagi kasi aniya ng polisiyang ipinatutupad ng kanilang tanggapan na ang mga maaari lamang bumisita dito ay mga kamag-anak, magulang at ligal na asawa ngunit marami sa mga ito ay kanilang na-identify na hindi pa ikinakasal kung kaya kanilang hinikayat ang mga ito na makilahok sa kasalang bayan na kanilang gagawin.

Dagdag pa ni Esquinas, maituturing na napakahalaga at malaking bagay para sa mga bilanggong ito na pormal na maging ligal ang pagsasama ng kanilang mga partners sa iba’t-ibang aspeto, dahil marami sa kanila ay nagsa-sama ng matagal na panahon at mayroon ng mga anak ngunit hindi pa naikakasal.

Pinatunayan ng mga ikinasal na hindi hadlang ang bakal na rehas sa kanilang pagmamahalan dahil kahit sa loob ng piitan, maaari pa rin umano nilang maipakita ang dalisay na pagmamahal sa kanilang kapareha.

Ayon pa kay Jail Warden Jose Esquinas, mayroong magandang epekto at makatutulong sa pag-uugali ng mga inmates na naikasal sila sa kanilang mga partners dahil sa susunod na dumalaw ay ligal na nilang asawa ang mga ito.

Mababakas sa mukha ng bawat isang pares ang kasiyahan na tila nabigyan ng katuparan ang matagal na nilang minimithing pag-iisang dibdib. (PIO Lucena/ J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.