Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Dondon Alcala pinulong ang ilang mga residente ng Luzvimin at Green Journey Home Owners Association

Pinulong ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang ilang mga residente at pamunuaan ng Luzvimin at Green Journey Home Owners Association sa bah...

Pinulong ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang ilang mga residente at pamunuaan ng Luzvimin at Green Journey Home Owners Association sa bahagi ng Brgy. Isabang kamakailan.

Ang pagpupulong na ito ay upang alamin ang kanilang mga kinahaharap na problema hinggil sa lupa na kung san ang kanilang tahanan ay nakatirik.

Present rin sa naturang pagpupulong na ito sina Ciy Legal Officer Atty. Shiela De Leon, Assistant City Legal Officer Atty. Kitz Lagman, Urban Poor Affairs Division Head Lerma Fajarda at ang kinatawan mula sa Karapatan Quezon na si Tatay Nap.

Batay sa kinahaharap na problema ng mga residente sa lugar, mayroong mga nagpapakilalang personalidad na sila ang nagmamay-ari ng lupang kinatitirikan ng mga ito at sinisingil ng kaukulang kabayaran sa mga nabanggit.

Ayon pa rin sa hinaing ng ilang mga naninirahan dito, hindi nila alam sa ngayon kung sino ang tunay na nagmamay-ari nito dahilan sa dalawang asosasyon ang humahawak sa lugar.

Base naman sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala, nagtungo siya sa lugar upang pag-usapan ang mga hinaing ng mga ito at mabigyan ng kaukulang aksyon.

Aniya, sa ngayon ay binigyang atas na niya ang dalawang abogado ng pamahalaang panlungsod at ang head ng UPAD na alamin kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng naturang pupain.

Sakali aniyang malaman na kung sino ang nagmamay-ari nito, kanila naman itong kakausapin hinggil naman sa pagbabayad ng lupain nito para sa mga residente sa lugar.
Dagdag pa rin ng alkalde, wala na ring kinakialangan pang bayaran ang mga nanninirahan dito sa paghahanap ng tunay na nagmamay-ari ng lupain at sasagutan na ito ng city government.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga residente na sakop ng Luzvimin at Green Journey HOA sa naging pahayag na ito ni Mayor Alcala lalo’t higit sa pagtulong sa kanilang kinahaharap ngayon na problema.

Ang ginawang pagharap na ito ni Mayor Dondon Alcala ay upang mabigyan ng katugunan ang kinahaharap na usapin ngayon ng mga naninirahan sa lugar ng nasabing mga samahan nakung saan ay nalilito ang mga ito sa kung sino ang tunay na dapat bayaran upang mapasakanila ang lupang kinatitirikan ng kanilang tahanan. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.