LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Mahigit 5,000 senior citizen mula sa iba’t ibang parte ng lalawigan ang dumalo sa idinaos na “Provincial Elder...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Mahigit 5,000 senior citizen mula sa iba’t ibang parte ng lalawigan ang dumalo sa idinaos na “Provincial Elderly Month Celebration” sa Quezon Convention Center (QCC), sa lungsod na ito noong Oktubre 25 kung saan ang tema ng pagdiriwang ay “Pagkilala sa Kakayahan, Ambag at Paglahok ng mga Nakatatanda sa Lipunan”.
Pinangunahan ng ama ng lalawigan, Gob. David C. Suarez ang nasabing kaganapan kung saan kinilala niya ang mga sakripisyo ng mga senior citizen ng Quezon.
Sa kanyang mensahe, inihayag nito ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga nakatatanda at nangakong mas pagbubutihan pa ang kanyang panunugkulan sa mga susunod pang taon ng kanyang panunungkulan bilang gobernador.
Ibinida rin ng gobernador ang programang Quezon’s First 1,000 Days of Life o Q1K na naglalayong tugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng isang ina at sanggol mula sa pagbubuntis hanggang sa ikalawang taong gulang nito.
“Gusto ko pong siguraduhin na bilang pasasalamat sa mga sakripisyong ginawa ninyo, ang mga apo ninyo na isisilang sa lalawigan ay ipanganganak na malulusog, magiging matalino, produktibo at makahahanap ng mga pinapangarap nilang trabaho. Dahil naniniwala po ako na ito ang pinakamagandang legasiya na maiiwan natin sa mundo, ang masiguro ang maayos na pamumuhay ng ating susunod na henerasyon. At maaari natin itong makamit sa tulong ng ating programang Q1K,” ayon kay Gob. Suarez.
Iniulat din ng gobernador ang ilan sa mga proyektong kasalukuyang isinasagawa sa lalawigan para sa kaunlaran tulad ng mga connecting roads, convention center, state university, mga karagdagang ospital at Quezon Sports Complex.
Aniya, ilan lamang ang mga ito sa mga proyektong maaring asahan ng mga kababayang Quezonian sa ilalim ng kanyang administrasyon, alinsunod sa kanyang ‘next 3 best 3 years’ ng panunugkulan. (GG/R. Orinday-PIA-Quezon may ulat mula sa Quezon PIO)

No comments