Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pag-ibayuhin ang pag-iingat -Konsehal Vic Paulo

 Konsehal Vic Paulo LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Nanawagan si Konsehal Vic Paulo, Chairman ng komitibang nangangasiwa ng kaayusan at k...

 Konsehal Vic Paulo


LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Nanawagan si Konsehal Vic Paulo, Chairman ng komitibang nangangasiwa ng kaayusan at katahimikan sa konseho na maging maingat sa kasalukuyang panahon a maging mapag-matyag sa kanilang komunidad.

Ayon kay Paulo, kung mayroong nakikitang mga kahina-hinalang indibidwal ang mga residenteng Lucenahin ay ipagbigay-alam agad ito sa kapulisan upang nang sa gayon ay agad itong maaksiyunan ng mga awtoridad.

Ito ang binanggit ng nasabing konsehal sa isinagawang ekslusibong panayam ng TV12 sa kaniyang tanggapan kamakailan nang aming hingin ang kaniyang reaksiyon hinggil sa dalawang magkasunod na krimeng nangyari sa lungsod.

Ang mga naturang insidente ay parehong naganap sa ilalim ng sikat ng araw kung saan walang takot na pinaslang ng mga masasamang loob at tila walang takot na mga indibidwal ang mga biktima ng karumal-dumal na krimeng ito.

Dagdag pa ni Konsehal Vic, kinakailangan ding pag-ibayuhin ng mga mamamayang Lucenahin ang pag-iingat lalo’t nalalapit na ang kapaskuhan na kung saan ito ang panahon na madalas ang pangyayari ng tinatawag na petty crimes gaya ng pandurukot, pagnanakaw, at panloloko sa mga inosenteng mamimili.

Samantala, nanawagan din ito sa kapulisan na kanilang higit na paigtingin ang kanilang pagro-ronda at pagmamatyag sa iba’t-ibang lansangan sa kabayanan lalo’t higit sa mga matataong lugar tulad ng simbahan, palengke, at mga mall sa lungsod.

Ang panawagang ito ng chairman ng Committee on Peace and Order ng Sangguniang Panlungsod ay bilang pagpapahalaga nito na matiyak na ligtas at payapa ang komunidad na ginagalawan ng mga mamamayang Lucenahin. (PIO Lucena/J. Escuterio)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.