INFANTA, Quezon -- Idinaos kamakailan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang libreng laboratory test, ultrasound at dental check-up sa b...
INFANTA, Quezon -- Idinaos kamakailan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang libreng laboratory test, ultrasound at dental check-up sa bayang ito sa pamamagitan ng Quezon’s First 1000 Days of Life Program sa bayang ito.
May 138 na buntis mula sa iba’t ibang barangay sa Infanta ang nabiyayaan ng libreng medical at dental service. Ito ay isinagawa alinsunod sa hangarin ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Gov. David C. Suarez na maisulong ang pangangalaga sa kalusugan ng mga buntis upang magkaroon ng malusog na komunidad at tuwirang matuldukan ang mga problemang may kaugnayan sa pagbubuntis at kalusugan sa buong lalawigan.
Nakapaloob sa nasabing aktibidad ang libreng konsultasyon, basic laboratory test gaya ng CBC at Urinalysis, check-up ng ngipin, oral prophylaxis at pagbibigay ng dental kit. Bukod dito, nagbahagi din ng kaalaman ang mga medical specialist kung paano makakaiwas sa mga pangkaraniwang sakit at mga dapat gawin at tandaan tuwing nagbubuntis.
Samantala, naging katuwang naman ng Q1K program ang pamahalaang lokal ng Infanta kasama ang mga NDP, kawani mula sa Municipal Health Office, mga Barangay Health Workers, mga department personnel, Q1K barangay coordinators at sina Dr. Ellen Barcena at Q1K Municipal Coordinator na si Ms. Catherine Juntreal sa maayos at matagumpay na pagsasagawa ng medical at dental mission.
Isa lamang ang bayan ng Infanta sa nagbigyan ng nasabing serbisyo, ito ay nagsimula matapos ang paglulunsad ng province-wide orientation ng programang Q1K. Ang mga bayan ng Lucban, Tayabas, Pagbilao, Patnanungan, Padre Burgos, Mulanay, Mauban, Lopez, Gumaca, Pitogo, Plaridel, Guinyangan, Atimonan, Unisan, Perez, Lucena at Candelaria ang ilan sa mga bayan na nababaan na ng medical at dental mission kasabay ng kanilang Q1K Municipal launching.
Laking pasasalamat naman ni Mayor Filipina Grace America sa Q1K program lalo’t higit kay Gov. Suarez sapagkat napagkalooban sila ng ganitong serbisyo na naging malaking tulong at nagdulot ng positibong reaksyon sa komunidad. (GG/R.Orinday-PIA, may ulat mula sa Quezon PIO)

No comments