Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Serbisyong Suarez sa Kooperatiba, patuloy na pinagtitibay sa Lalawigan

LUCENA CITY, Quezon -- Ipinagdiriwang ngayong Oktubre ang Cooperative Month bilang paggunita sa kanilang mga kontribusyon sa pagpapaunlad n...

LUCENA CITY, Quezon -- Ipinagdiriwang ngayong Oktubre ang Cooperative Month bilang paggunita sa kanilang mga kontribusyon sa pagpapaunlad ng komunidad kaalinsabay ng pagbibigay suporta sa mga nangangailangan nating kababayan.

Ayon kay Provincial Agriculturist Roberto Gajo patuloy ang pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay ng pinansyal at teknikal na suporta sa 232 na kooperatiba mula sa apat na distrito ng lalawigan mula pa noong 2014.

Sa pagtataya, aabot sa 4.2 bilyong piso ang kabuuang asset ng kooperatiba sa lalawigan. Dagdag ni Gajo, isa itong magandang indikasyon ng kaunlaran sapagkat ang mga kooperatiba ay nangangasiwa mismo sa kani-kanilang komunidad. Umiikot lamang ang asset na ito sa lalawigan kung saan ang nakikinabang ng yaman ay ang mga kasapi ng kooperatiba. Ito ay alinsunod sa hangarin ni Gob. David C. Suarez na mapalakas pa ang kooperatiba sa kanilang pagnenegosyo sa lalawigan.

Ayon naman kay Provincial Administrator Romulo Edaño Jr., higit sa mga tinatamasang pagkilala at plake ng lalawigan, ang tunay na nagmamarka sa anumang tagumpay ng Quezon ay ang mga buhay na naapektuhan ng mga programa at proyekto nito. Aniya, ang mga kooperatiba ay nagsisilbing inspirasyon sa patuloy na pagpapalakas ng pamahalaang panlalawigan sa mga serbisyo nito.

Dagdag pa ni Edaño, nalalapit nang simulan ang ilang mga infrastructure development projects na naglalayong palakasin ang iba’t-ibang sektor ng agrikultura sa lalawigan. Nakatakda na ring simulan ang Philippine Rural Development Project o PRDP na pasilidad para sa mga producer ng Virgin Coconut Oil na isa ring kooperatiba sa lalawigan.

Sa ika-27 ng Oktubre ay nakatakdang parangalan si Gob. Suarez bilang Gawad Saka Hall of Famer para sa kanyang natatanging husay sa pagpapa-igting ng agrikultura sa lalawigan. Samantala, sa darating na Disyembre naman ay masasaksihan ang isa sa makasaysayang kaganapan sa Kapitolyo, ang muling pagbubukas ng Block 1 sa Perez Park kasabay ng formal switch on ng provincial Christmas tree na magsisilbing hudyat sa pagsisimula ng selebrasyon ng Pasko sa Capitol Building. (Quezon-PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.